Chapter 20

1.4K 98 57
                                    


"oh bilis a?" bungad ko kay yael na nakatayo sa labas ng pinto ng mansion ko.. Kakatext lang kasi niya ng on the way na siya dito tapos paglabas ko nasa labas narin tarantado talaga. Nakangisi lang ito ng tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Walang bago!

Saturday ngayon at mamayang gabi na yung party na pupuntahan namin, at kaya siya andito dahil sinusundo niya ako my pupuntahan kami kung saan hindi ko alam may tiwala naman ako sa isang to kahit mukhang kutungero. Ha ha ha!

"nasa kanto niyo ako nung magtext ako kaya malamang!" ngisi niya..

"la. Alis na kami ha, maui ikaw na bahala kay lola ha!"

"magiingat ka apo at mag enjoy!" tumango lang si maui.

"opo!"

"tara na!" aya ko kay yael, nauna pa akong maglakad. As usual pinagtitinginan na naman ako ng mga tao dito parang kahapon lang yun halos buhatin nila ako dahil artista na daw ako kasi nakita nila ako sa tv, dahil dun sa nangyaring hostage, tuwang tuwa sila sa pagmumura ko.. tinawag pa ako sa baranggay para bigyan ng award kaloka diba?

Isang magarang sasakyan ang bumungad saakin sa labas blue yun sports car yun napalingon ako kay yael na noo'y nasa likod bitbit ang bag ko.

"ano?" tanong niya, wala man lang ibang reaction.

"saiyo yan?" sabay turo ko sa sasakyan. Dun ko lang napagtanto na may sakay pala yun. Diko nakita..

"hi!" ngiti nito..

Ganda..

"tara na baka malate tayo!" nagpatyuna siya saakin sa paglalakad, dahil talagang napatigil ako. Pero pinigil ko siya sa braso bago pa siya makalayo!

"pakseyt sino yan?" bulong ko. "yan yung jowa mo? Saka kanino yang sasakyan saiyo ba yan? Baka carnap yan ha!"

"anak ng.. Anong tingin mo saakin? Siraulo ka!" natatawa niyang sabi saka pailing na hinugot braso niya mula sa pagkakahawak ko.

"hi again im kylie Francisca!" ngiti nito sabay lahad ng kamay saakin na agad ko naman kinuha.

"your Marjorie right?"

Nagtataka akong napatitig sa kanya "kilala mo ako?" tumawa ito saka sumakay sa tabi ni yael, sa likod naman ako sumakay!

"of course i know you! Im daxton cousin--"

"--anak siya ni tita Francine!" si yael.

"hala.. Kaya pala magkahawig kayo!" malapad tong napangiti. "mom is right your so beautiful and easy to be with, ang swerte ni kuya Jhames saiyo!" malawak ang ngiti nito..

"kikiligin yan wag mong ginaganyan!" singit ni yael..

Nakanguso ko siyang tiningnan.. "hidden talent ko yun wag kang ano! Saka woi dimo pa sinasagot ang tanong ko kanino tong sasakyan?"

Narinig kong napahagikhik si kaylie.. "you really don't know him did you?"

"bukod sa mayabang at babaer--"

"-hey stop it. Hindi ako babaero!"

Natatawa parin si kylie..

"well kuya yael is a professional car racer marami siyang collection ng sport cars so no hindi ito carnap like you said." napapahiya akong tumingin kay yael na nakatingin pala saakin sa front mirror habang nakangisi..

Malay ko ba hindi naman halata sa height..

Sa isang kilalang hotel pumarada ang sasakyan niya, sa sobrang laki nalula ako.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon