NASA operating room na si lola ilang oras na nakaraan hindi ko narin mabilang nakailang pasok na ako sa chapel para mag dasal halos maubos ko narin ang termos ng kape na dala ni maui kanina ng bumalik siya, kinakabahan man ay pinipilit kung wag magpatalo sa kaba alam ko naman kasi na hindi pa ito ang oras, lalakas pa siya marami pa kaming pagsasamahan..
"gusto mo kape?" si Denver.. Inabot niya saakin ang ang basong hawak.
"salamat pero mamaya na, lalo lang ako ninerbyos!" ngiti ko. Dumating siya kanina dito para samahan kami ni Maui nakaka kunsenya man na nag absent siya para samahan ako ay, nagpapasalamat parin ako dahil bukod kay maui ay may iba pa akong kilala dito na pwedi kung kausapin..
"balita koy magaling daw na doctor yan nag opera kay lola!" ani niya...
"oo nga daw si doctor pascual hindi ko pa nakikita ang itsura niya wala kasi ako kanina ng pinuntahan niya si lola."
"kaya wag ka ng mag alala, maliligtas si lola maniwala ka sa kanya!" ngumiti ito.
"salamat Denver a! Nag absent kapa tuloy, sayang ang kita mo!"
"sus! Ayus lang para naman kay lola, saka isa pa papasok naman ako bukas!"
"kahit na salamat parin!"
"walang ano man sino paba magtutulungan?" ngumiti ito.
Sinagot ko siya ng ngiti..
Minalas man ako sa totoong pamilya, at least my pamilya akong matatawag kahit iba sila.
Makaraan ang ilang pang oras na pag hihintay sa wakas nag bukas na ang operating room, sabay kaming tumayo ni Denver at sinalubong ang doctor.. Halos mahulog ang panga ko ng alisin niya ang mask niya saka nakangiti tong lumapit saamin.
Ang guapo niya..
"ms. Marjorie Escudero?"
Hu?
Napabaling ako kay Denver. "tawag ka!" sabi nito.
Narinig kung mahinang tumawa ang doctor kaya binalingan ko siya ulit.
"doc kilala niyo po ako?"
Ngumiti ito labas yung ngipin, lalo lang siyang naging guapo sa maganda kung mata.
"well not totally. Someone ask a favor and i can't say no. Akala koy ikaw ang o'operahan.. But anyways your lola is stable now, ililipat na siya sa kwarto niya. Hintayin mo nalang na magising siya! Babalik naman ako bukas ng umaga para ma check siya, nasabihan ko narin yung ibang nurses na nag aasikaso sa kanya so alam na nila ang gagawin." tumango lang ako, kahit wala akong naitindihan sa sinabi nito dahil sa mukha niya ako nakatingin. Mahina itong natawa saka naiiling na naglakad matapos guluhin ang buhok ko.
Hala.. Sana naman ay walang sumamang kuto sa kamay niya!
Napanga nga ako sa ginawa niya, buti hindi ko nakalimutan huminga..
Jusmiyo elementary school..
"aray.." nasapo ko ang ulo ko, binatukan ako ni Denver. King ina! Nakalimutan kung kasama ko siya, hays kasalanan to ni doc!
"Denver ano daw yung sabi ni doc?" lingon ko sa kanya.. Napa atras ako ng aambaan niya ako ulit ng batok!
"hehe!" napangiwi ako sabay piece sign!
Hinintay namin na ilipat si lola sa silid niya, alas singko ng umaga siya nailipat at hanggang ngayon ay tulog pa, sabi ni doctor ramirez ay normal daw yun dahil napagod siya, at mabuti na daw yun para mag gain yung lakas niya.. May mga iilang kapit bahay din na dumalaw saamin at nagbigay ng tulong kaya lang madali lang kasi tulog pa ang pasyente kahit si denver ay umuwi na dahil kaylangan niyan pumasok ulit kaya si maui ang naging kasama ko sa pag babantay!
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KUNG POLICE
FanfictionThis story of Daxton Jhames Barber Son of Captain Margaret and Elyzer Justine. @BRubzxxx 2020 Mature content All Rights reserve