Chapter 18

1.2K 89 41
                                    


TAHIMIK lang ako habang pinagmamasdan siya, simula kanina pagdating namin ng park nakakain at nakapagligpit na ay tahimik lang siya. tanging mahinang buntong hininga lang ang naririnig ko sa kanya. Ayaw ko naman magtanong, hindi ako sanay para kasi saakin kung gusto mong magsalita at magbahagi kahit hindi ka tanungin magkukusa ka. Kaya naman mas pinili kung manahimik sa tabi niya ang mahalaga alam niyang andito ako.

Naisip ko lang na ilang buwan narin pala ang lumipas ng una kaming magkita at sa ilang buwan nayun ay mas lumalim ang pagka-kilanlan ko sa kanya at sa mga oras nato alam ko hindi ito ang Marjorie na nasanayan ko. Nasanay akong maingay siya, natutuwa ako pag naiinis siya maski pag role ng mata niya, yung malutong mura, pagiging pranka, yung pag simangot niya pag hindi naibigay yung gusto niya at higit sa lahat yung ngiti niya. Ngiting kaylan man hindi ko pagsasawahan.

Nilongon ko siyang muli ganun parin tahimik, parang ang lalim ng iniisip.. Nung makita niya ako kanina na bumaba sa sasakyan ngumiti lang siya na para bang walang nangyari, siguro iniisip niyang hindi ko kilala ang nanay niya kaya. hinayaan ko nalang akala ko mag kukwento siya dahil ganun ang pagkakilala ko sa kanya..

"im just here!" sabi ko habang nakatitig sa kanya, lumingon siya saka ngumiti.. Ngiting punong puno ng lungkot, hindi na ako nakatiis at lumapit ako, saka ko siya niyakap ng mahigpit, gusto kung iparamdam sakanya na naiintidihan ko siya kahit hindi siya mag salita..

Naramdaman kung gumanti siya ng yakap at mas mahigpit, hanggang sa unti-unti ko ng naririnig ang mahina niyang hikbi.. And seeing her like this, it breaks me!

Kumalas ako sa yakap, hinarap ko siya saakin saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi..

Tinuyo ko ang luha sa kanyang pisngi. "everythings happen for a reason and purpose keep your faith im just here i won't leave you promise." ngumiti ako! Tumango lang siya, saka nagbaba ng tingin..

"pasensya kana boyfriend ha!" sabi niya sa mahinang boses. "pangalawang beses mona ako nakita sa ganitong sitwasyon, nahihiya ako pero nagpapasalamat parin dahil sa kabila non hindi mo ako iniiwan, at palagi mong nirerespeto ang pananahimik ko!" sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

Hinawakan ko ang kamay niya saka pinakatitigan siya ng mabuti.

"believe it or not, masaya ako! Masaya akong na-witness ang mga ganitong side mo, masaya ako, na ako ang kasama mo sa worst stage ng buhay mo, at masaya ako na hinahayaan mo akong makasama ka." ngumiti ako. "hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo pero nasisiguro kung malalampasan mo yan kasi matapang ka-"

Ngumiwi ito saka ngumuso. "may matapang bang umiiyak?"

"Crying isn't a sign of weakness its a sign of having tried too hard to be strong for too long, your so brave to face this alone mosquito." napanguso ito, pero hindi naman nag reklamo pa.

Mahabang katahimikan ang namagitan saamin, pinanoud lang namin ang mga batang naghahabulan sa park hanggang sa muli itong magsakita.

"sarap maging bata no?" basag niya sa katahimikan. Napangiti ako! Sino bang tao ang ayaw balikan ang pagkabata?

"pero yung kabataan ko, ayaw kung balikan hindi masaya!" napilingon ako sa kanya.

Gaanu ba kabigat ang pinagdaanan niya noon?

"tingin mo boyfriend masama ba akong anak?" hindi ako sumagot,
tiningnan ko lang siya.
"masama ba akong tao dahil hindi ko magawang patawarin ang nanay ko? Wala naba akong kwentang anak dahil hindi ko maibigay yun?" hindi ako samagot bagkos hinayaan ko siyang magsalita.

"nung nasa hospital ako, sinabi ko sa sarili ko, ayaw kung magalit kasi ayaw kung matulad kay glenn nilisan niya ang mundo ng may galit, kinain siya ng puot at pagkamuhi, kaya natatakot akong matulad sa kanya, gusto ko masaya lang ako. Pinag isipan kung mabuti, binalikan ang nakaraan at tinanong ko ang sarili ko kung kaya kona ba. Pero kanina nung makita ko ang nanay ko, bumalik lahat e, yung galit na binaon kuna biglang naging sariwa, yung alala na ayaw ko ng balikan biglang nag flashback. Dun ko nasabi na hindi ko pala kaya, dahil nasasaktan parin ako." umihikbi niyang sabi..

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon