Chapter 28

562 44 10
                                    

SALAMAT SA PAGHIHINTAY
ENJOY READING ❤️

Just an ordinary

Song, to the special boy

Like you..

Pag iba ko sa liryco ng kanta habang nakatingin sa lalaking parang hinihigop ang kaluluwa ko sa titig niya.

From the simple girl

Was so in love with you..

I may not have much to show

Kung dati ay hindi ko kayang labanan ang titig niya, ngayon nagagawa kona, nilalaban ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro ay nasasanay na ako sa ganun scenario aaminin kung natatakot ako sa mga pweding mangyari pero alam ko makakaya ko basta andyan siya.

Bawat pag buka ng bibig ko kasabay ng kalabit  ng gitarang hawak ang siyang pag balik balik ng tingin ko, mula sa kinaroronan niya.

gusto kung matawa sa sarili ko pakiramdam ko nauso lang salitang maganda ng isinilang ako. Natawa ako sa isipin yun!

Natapos ko ang tatlong kanta ng hindi ako naghabol ng hininga ganun kagaan ang pakiramdam ko, ang saya ko habang kumakanta! Ilang linggo naba nung huling punta niya dito kasama si yael.

"hi!" bati ko sa kanilang dalawa ng makababa ako. Nakita kong bahagya pang napasiko si yael kay boyfriend na noo'y nakatingin saakin. "hey!" ani niya, tumaas ang kilay ko. "i-m im sorry i just.. Hmmp! Anyway what do you want to drink?"

"ok kalang ba boyfriend?" tanong ko imbis na sumagot.

Tatango tango siya.. "yeah!"

"ganda mo!" pahapyaw na sabi ni yael.

"nauso lang naman ang salitang dyosa ng pinanganak ako!" ngisi ko..

Sabay silang napairap. Grabe!

Nag order siya ng ladies drink para saakin. Sila ni yael nag beer sila ayaw daw nila ng matataas na uri ng alak pag nasa ganitong lugar. Kung ano ano nalang ang pinaguusapan namin hanggang mapunta kay yael ang topic.

"so nagkausap na kayo?" si boyfriend.

Yung kaninang masayang mukha ni yael at biglang nagbago.

May konti naman akong alam sa nangyare sa kanila ni carmela pero hindi na ako ng tanong kasi akala ko ok na. Hays!

"she won't talk to me! Tumawag ako sa kila tito sabi ok naman daw siya, pero ayaw akong kausapin, hindi kona alam ang gagawin ko pre. I really love her!" saka ito uminom! Nakaramdam ako ng awa kahit konting panahon lang nasaksihan ko kung gaano nila kamahal ang isat-isat! Tumingin ako kay boyfriend tahimik lang ito at mukhang nag iisip ng sasabihin. Maya-maya pa ay tumayo, nagpaalam na mag rest room daw.  Kinuha ko ang pagkakataon nayun tumayo ako saka tumabi kay yael.

"bakit dimo puntahan!" well alam kung nasa Hong Kong si carmela. Narinig ko sa tsismis i mean naikwento niya minsan.

"baka ipagtabuyan ako!"

"bakit dimo subukan mo na? Kung ipagtabuyan kanya, bumalik ka, wag mong sukuan. Ipaglaban mo siya! Malay mo yun pala yung gusto niya. Isa pa hindi mo alam baka naghihintay lang pala siya saiyo." sabi ko.

"hindi ko alam kung anong dahilan bat kayo napunta sa sitwasyon na ito, basta ang alam ko pagsubok lang ito kaya kung susuko ka, ngayun palang sinasabi kona kung ano man yan balak mo wag mo ng ituloy." mahaba kung sabi..

"pumunta ka ng Hong Kong kausapin mo siya pag umayaw parin." huminga ako ng malalim. "kidnapin mona!" saka ako tumawa.

"puro ka kalokohan! Saiyo talaga nanggaling yan." singhal niya. Pero natawa parin!

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon