Chapter 4

1.1K 67 12
                                    


ISA na namang araw ang lumipas Isang nakakapagod na araw at panibagong araw.

"gising kana pala apo!" bati sa kanya ng kanyang mahal na lola.

"magandang umaga la." ngumiti siyang bumangon at nilapitan ito saka mahigpit na niyakap at ginawaran halik sa ulo. "kumusta ang maganda kung lola? Nakainom naba ng gamot?" ngumiti ito sa kanya. "ikaw talaga apo kanina pa ako gising at tapos na. Kaya ikaw sige na maghilamos kana ng makapag agahan ka may pasok kapa diba?" nakangiti siyang sumunod sa matanda.

Ang ganda ko sa umaga pero wala man lang nagsasabi ng good morning saakin..

Sumilip siya sa labas ng maliit nilang bahay saka nameywang.

"magandang umaga taong pilipinas.." sigaw niya. "Nasa pilipinas paba tayo? Baka nasa china na!" saka niya sinamaan ng tawa. "maganda talaga umaga mo majo!" sabi ng kapitbahay nilang dumaan. "o mang canor kumusta na ho yung anak niyo sa ibang bansa?" tanong niya dito. "nakontak na majo salamat dun sa advice mo, pinuntahan namin ang agency niya at nakipag ugnayan kami sa owwa kaya ok na!"

"mabuti naman kung ganun!" nakangiti niyang sabi ky mang canor. "salamat sa dyos!" sabi nito saka nagtuloy na sa paglalakad..

"magandang umaga majo!" bati naman sakanya ni aling mercy. "kumusta ka na? Mukhang hindi na kita nakikita sa umaga nagpalit kaba ng trabaho mo?" nginitian niya ito. "mabuti naman po aling mercy heto at gumaganda ganun ho siguro pag hindi buhay ng iba ang inaatupag." nakita niya itong nagpalit ng anyo yung kaninang nakangiti at biglang nakasimangot na. Napangiwi siya, masasabi niyang si aling mercy na ata ang pinaka tsismosa sa lugar nila, kung may nawawala o pinaghahanap dito sa kanila sa kanya mo itanong malamang alam niya yun.

Nakasimangot itong umalis na kinatawa niya.. "pag may bagong balita ho pakisabi nalang sakin busy na po ako sa buhay ko!" pahabol niyang sabi dito.. Kaloka!

"ikaw talaga majo!" si Denver na kaybigan, kapitbahay nila, kuya ni maui na taga alaga ng lola niya pag nasa trabaho siya. "papasok kana?" tanong niya. Isa itong call agent.. "oo e. Kumusta? Pang gabi na trabaho mo sabi ni lola?" Napangiwi siya dahil ang alam ng mga taga rito ay sa isang 24hours convinience store siya nagtatarabaho sa gabi. Hindi nila alam na sa isang bar yun!

"oo nga e..pero ayus naman kaya pa!" nag aalangan niyang sagot.

"ganun mag ingat kalang sa pag uwi ha marami pa naman loko-loko jan!" sabi nito. Tumango lang siya. nag mamadali din umalis ang kaybigan, siya naman ay pumasok ulit sa loob ng bahay nila.

Napapailing siya sa sarili! Naiinggit siya kay Denver halos magkasabay silang nag aral sa high school, naiba lang nung college na.

Kung natapos ko lang sana ang kolehiyo di sana may maganda narin akong trabaho ngayon..

Hay..

Hindi sana siya magtitiis sa bar nayun. Bumalik sa isip niya yung gabing nabastos siya. Buti nalang may tumulong sa kanya, kahit suplado at hindi niya masyadong nakilala ay nagpapalamat parin siya sa pagsaklolo nito.. Salamat siya kanya, sanay makita ko siya ulit!

Matapos niyang gawin lahat ng gawaing bahay ay naghanda na siya sa pag alis. Almost 7am ng umaga my pasok pa siya sa entrata company bilang cleaner apat hanggang limang oras siyang naglalagi dun, maganda ang sweldo kaya nagtiis siya mababait naman ang mga kasamahan niya dun at guapo ang CEO mukha lang babaero si sir niccos, pantasya ng kababaehan at isa na siya dun. Hindi pa naman niya ito nakikta sa personal dahil iba nag humarap sa kanila noon interview. Kaloka no? Taga linis palang yun.. Pang gabi ang pasok niya sa bar bilang waitress minsan nag g'gig din siya pag wala yung kumanta dun, malaki din ang sweldo dun kaya kahit minsan nababastos ang pinagiisipan siyang bayaran e ayus lang naman, ang mahalaga sa kanya ay makaipon  at makapag pagamot ang lola niya bukod dun ay kaylangan niyang makaipon para sa susunod na taon ay makabalik na siya sa pag aaral, dalawang taon nalang at matatapos na niya ang kanyang kursong computer secretarial. Kinailangan niyang mag shift dahil hindi kaya ng budget niya ang tourism na course, masyadong mabigat sa bulsa. Kung hind lang sana siya umalis sa poder ng ina niya..

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon