Chapter 17

1K 88 22
                                    

__

"ANO YAN?" biglang sulpot ni tito yobert. Andito kami sa bahay nila for some family gathering, lahat ng kaybigan nila ni mom and dad are here. Masyado silang maingay specially when tito Luis is here sobrang ingay niya! And honestly naiingayan ako, i really hate noisy.

not until Marjorie around, siya lang yung maingay na gustong-gusto ko i mean she cuss a lot but I don't know why i find it cute and funny. Napangiti ako.. Thats weird!

"ehmmp!" napalingon ako. "ano nga yung tanong mo tito?" natawa ito saka umiling. "ganyan na ganyan mommy mo nung magsimulang mainlove sa daddy mo ngumingiting mag-isa. Tapos pag tanongin magagalit." natawa ito.. "sobrang in denial kaya ikaw kung inlove ka, wag mong pigilan mabuti na yung maaga. Baka maunahan kapa ikaw din."

"pero tito. P-paano kung a-ayaw niya?" napapikit ako saka napatingala.

Hindi ata kayang tanggapin ng sistema ko.

Naramdaman kung humawak si tito sa balikat ko at mahina yung hinimas. "walang umaayaw sa isang Barber tandaan mo yan nasa lahi ng tatay mo." saka ito mahinang natawa.

"pero-!"

"-teka kilala ko ba to?"

Nag iwas ako ng tingin.. Dito nagmana si yael, may pagka detective pa naman siya!

"you don't know her" iling ko.. "anyway tito, pwedi ba akong magtanong?"

"sige! ano bayun?"

"about majo!" hindi na ako nagulat ng biglang may gumuhit ng lungkot sa mukha ni tito..

"a-anong tungkol sa kanya?"

"sino siya? I mean napansin ko every time na nababangit siya bigla kayong nalulungkot." bumuntong hininga ito saka umupo sa tabi ko..

"si maria julia or majo. Kapatid ni tito alvin mo, anak anakan ko!" nagulat ako sa narinig ko. Kapatid ni tito?

"natulungan namin ng mommy mo sa isang operation noon. Inalagaan namin sila ni alvin, kaya lang si majo may sakit siya sa puso, halos sa hospital na tumira mommy mo noon, lahat ng sweldo niya naipangbabayad niya sa hospital bill ng batang yun." mahaba niyang sagot.

Kumunot noo ko. "hindi siya humingi ng tulong kila grandma?"

"hindi. Matigas ulo ng mommy mo at ma pride yan! Kung ano man ang desisyon niya pinapanindigan niya! Kaya lahat sinagot niya maski mahati oras niya sa trabaho ginagawa niya salitan kami sa pag babantay hanggang sa.." bumuntong hininga ito.

"sa?"

"sumuko na siya sa sakit niya hiniling niyang palayain na namin siya dahil nahihirapan na siya sa dinarandam niya! Mahal na mahal ni capt ang batang yun halos duon umikot ang mundo niya, kaya noong nawala siya sobra naming dinamdam mabuti nalang anjn si daddy mo nung mga panahon nayun!" nakita niyang muling gumuhit ang lungkot sa mukha nito.

Now I get it, kaya pala ganun nalang reaction ng mommy niya sa twing nababanggit si majo. I can't imagine mom crying and grieving. How much more kung si tito alvin. Napabuntong hininga siya!

"im sorry tito!" hingi ko ng paumanhin..

"ok lang, isa pa matagal nayun! Nawala lang siya sa mundo pero hindi sa puso namin. Kaya ikaw hanggat anjn pa pahalagaan mo, hanggat may paraan gawin mo, wag kang mag baka sakali. Kung gusto mo push nayan. Kasi hind masusukat ang mangyayari kinabukasan." Napatingin ako sa kanya, kilala kong maloko si tito yobert kaya parang hindi ako sanay ganitong usapan namin masyado siyang seryoso.

"Wag kang gumaya sa tatay mong muntik bg maunahan ni Pascual, kala mo di babaero-"

"-wag mo nga akong sinisiraan sa anak ko gago!" napalingon ako kay dad na sumulpot nalang bigla. "Wag kang makinig diyan anak may sira utak ng tito mo. At ikaw naman tigilan mona yang kakabash mo saakin, sumbong kita kay Margaret e-"

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon