Chapter 31

606 53 14
                                    


__

Nalaman ni mommy ang nangyari kaya naman pati siya at tumulong kahit si tito yobert at tinawagan ang mga Contact niya.

Isang araw, naging dalawa hanggang umabot ng isang linggo wala kaming nahanap. Pero kahit ganun ay hindi ako nawawalan ng pag asa, ayaw kung mag isip ng negatibo.

"are you ok nak?" napalingon ako kay mommy hindi ko man lang namalayan ang paglapit, siguro isa ito sa talentong hinahangaan ko kanya.

"no mom!" sagot, walang silbi kung magsisinungaling ako. "hindi ko alam kung saan siya hahanapin, ay ang masakit mom hindi ko alam kung ok kami. Bigla nalang hindi niya ako kinakausap bago siya mawala at yun ang lalong nagpapabigat saakin. Ayaw kung mag isip ng kung ano pero mom hindi ko maiwasan, paano k-k-kung paano kung may nangyari sa kanya mom?" hindi ko mapigilang umiyak, nilabas ko lahat ng emotion kong ilang araw kong kinimkim.

Naramdaman ko ang pagyakap ni mommy saakin.

"wag kang mawawalan ng pag asa jhames anak mahahanap natin siya, at wag mong isipin na baka may mangyari sa kanya, matapang na babae ang girlfriend mo at hindi niya hahayan na mag alala ka."

"sana nga mom!" sana nga..

Pagkatapos namin magusap ni mommy sumunod naman si daddy, ganun lang din ang sinabi saakin. Wag daw akong susuko dahil hindi gawain ng lahi namin yun, wag ko daw ipahiya ang lolo niya.

Pumasok ako sa kwarto ko alas sais na ng hapon, gusto kung umidlip na muna, ilang araw narin akong walang tulog sa paghahanap sa kanya, pero ni hindi ko man lang nararamdaman ang pagod. Umupo ako sa kama ko.. Dun ko lang muling naramdaman ang lungkot.

Kumusta na kaya siya? Kumain naba? Sana hindi siya sinasaktan ng mga taong kumuha sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam ang motibo nila wala din bakas ng pagkakakilalan sa kanila.

Mosquito saan kana ba?

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako nagising ako sa ingay ng cellphone ko ng tingnan ko si yael ang tumatawag, agad ko yun sinagot.

"may balita ba?" agad kung tanong, narinig kung Napabuntong hininga siya.

"pre you need to come!"

"saan?"

"sa bar, she's her!"

"what?"

Muli siyang Napabuntong hininga. "pumunta ka nalang dito pre and see it to your self. Magugulat ka ibang iba na siya."

Pinatay ko ang tawag at mabilis ang ginawa kung paglabas ng bahay namin mag aalas nuebe na ng gabi. Paanong nakabalik siya ng ganun ganun nalang at nasa bar pa. Ano to? naglaro ng tagu-taguan? Bumalik na parang wala lang?

Pagdating ko dun sa tabi mismo ng kotse ni yael ako nag park, andun narin siya at mukhang hinihintay ako.

"asan siya?" tanong ko agad.

"andun pre sa loob, hindi ko alam pre pero parang ibang tao na, kinakausap ko pero hindi nagsasalita."

Nagmadali akong pumasok na entrance palang ako nakasalubong kona siya kaya napaatras ako hanggang sa nasa labas na kaming dalawa.

Deretso akong nakatingin sa kanyang mata ganun naman din siya saakin. Yung dating makislap niyang mata ngayon parang yelo sa lamig yung dating maganda niyang aura parang nababalot ng dilim na diko mawari.

"im glad your here!" naisatinig ko hanggang sa nasugod ko siya ng yakap. "akala ko kung ano na ang nangyari saiyo,sobra akong natakot!" wala akong nakuhang ganti, wala din siyang imik.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon