Chapter 13

1K 86 44
                                    


NAKAMASID lang ako sa dalawang taong nasa harapan ko para silang mga tambay na stalker, yung isa nag tatago kono sa newspaper, habang yung isa tamang laro lang ng coin master sa cellphone niya kaloka.. Ilang level na kaya to? Masilip nga..

Pero seryoso hindi ko alam bat ko kasama ang dalawang to at ano ang trip nila sa buhay. Kay aga akong binulabog ngayon araw jusmiyo Sunday ngayon as in linggo, buti nalang at nauna akong magising bago sila dumating kaya nakaligtas ang gandang woke up like this ko.

Nasa mall kami dinala ng sinusundan namin kanina para tuloy kaming minions na sunod sunod, tapos ako tong inosente nakasunod lang sa mga talipandas nato..

Palasamat nalang tong si boyfriend guapo siya e.

Sinulyapan ko ulit siya ang guapo talaga e hmmp..

Napakasimple lang ng sout niya pero yung gandang lalaki niya naninigaw. Jusmiyo!

"woi!" kalabit ko kay yael. Isa pa to parang shunga, nagtatago pero kita naman!

"kanina pa tayo dito a. Habang tumatagal, pumapatak yung bayad niyo saakin." reklamo ko. Yun kasi ang deal namin bago nila ako naisama, dapat bayaran nila ang oras ko, kasi dahil sa kanila hindi ako naka raket kaya dapat lang na maningil, walang libre sa magandang katulad ko.

Ganda lang meron ako, wala parin akong pera..

Nangalumbaba ako habang nakatingin sa mga tao, tapos kay yael saka ko pagmamasdan ang mukha ni boyfriend. Sobrang ganda ng shape ng mukha niya yung Ilong niyang naninigaw sa tangos, pilik mata niyang akala mo talaga artificial. Kung naging  babae lang to baka ako naging lalake, sobrang kinis e, hiyang hiya yung kutis kung bumangon pa mula sa bungang araw kaloka.

"stop staring!" sabi niya habang sa cellphone parin nakahawak. Napaismid ako! Saka ngumuso..

"na bobored na ako yael!" reklamo ko, hindi ko pinansin si boyfriend, pero sa kanya parin ako nakatitig.

"maglaro ka sa cellphone mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"kanina pa tayo dito!"

"konting tiis nalang lalabas din yun!"

Lalo pa akong napanguso, wala parin kasi akong idea sa sinusundan namin.

Bumuntong hininga ako.

Nagpaalam ako sa kanila na maglakad lakad, pumayag naman sila, pero dipa man ako nakadalawang hakbang ay napabalik na ako, may nakita kasi akong pamilyar na pashneang elemento.

"bilis naman?" tanong ni yael..

"nawalan na ako ng mode!"

Bumalik ako sa pag upo this time nasa tabi na ako ni yael. Ginugulo ko siya my ka-chat e.

"fuck!" si boyfriend.. Napatingin ako sa kanya. Pero sa cellphone ang tingin! Naubusan siguro to ng spin! Hahah

"Marjorie" tawag niya saakin. Hindi ko siya pinansin..

"Marjorie!" hindi ko siya tiningnan, kahit napakalambing ng pagbigkas niya sa pangalan ko. napakagat ako sa labi ko habang nagpipigil ng ngiti.

"Marjorie!" napanguso na ako, saka ko siya pinagtaasan ng kilay..

"wag mo akong tatawagin jan, nagtatampo ako!" sabi ko habang nakanguso! Kita ko yung gulat na gumuhit sa noo niyang malapad. kahit si yael at napaangat ang mukha saakin saka ito natawa ng mahina.

"tss!" angil niya.

"tss" ganti ko.

Narinig ko ang mahaba ng buntong hininga..

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon