Chapter 34

447 30 4
                                    

Home

__

"yes hello" tamad kung sagot sa maingay kung cellphone, for god shake alas tres pa ng madaling araw.

"you promise to call me when you arrive trina" halata sa boses niya ang inis. "sorry for that kuya, pero gabi na ng dumating ako pagod na pagod ako, hindi naman Italy at spain lang ang byahe ko." nakanguso kung sabi. "kahit na nag alala ako, hindi ko alam kung bakit sa regular flight kapa my private plane naman."

Napahawak nalang ako sa noo ko.

"ilang beses na natin tong pinag-usapan"

"fine. How are you? How's your flight!"

"everything smooth, but for now can I sleep muna, i call you later." pakiusap ko.

"ok sorry, go back to your sleep!" sagot niya, akala ko magtatanong pa o kaya magtatampo.

Dahil sa pagod ay nakatulog ako ulit. Pero nagising parin ako ng alas singko ng umaga, sigurado ay nag a-adjust pa ako sa time zone. Limang taon din yun.

Bumangon ako saka naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako maaga pa pero sigurado naman na gising na ang mga kasama ko sa bahay.

"magandang umaga iha. Aba kay aga mong nagising, halika at ipagtimpla kita ng kape." si aling Rita isa siya sa matagal ng kasambahay nila Caleb, may sarili naman akong bahay dito sa pilipinas hindi pa nga lang tapos ayaw naman ni caleb at Travis na tumira ako sa condo since malake naman daw itong bahay niya at walang nakatira kaya napilit niya akong dito na muna mag stay.

"ang ganda niyo ho pala sa personal maam trina, akala ko ay modelo kayo! Alam niyo ho si caleb laging nagpapaturo yan saakin magluto noon minsan nagdadala akala ko nga ho girlfriend niya yung dinadalaan niya ikaw lang pala yun." biglang sumagi saakin yung panahon na nag aaral pa kami..

"trina nalang po itawag niyo saakin aling rita." bigla kung naalala si lola. Sobrang namimis kona siya, sayang at hindi na niya naabot lahat ng ito! "siya nga pala iha may pupuntahan kaba ngayon araw?"

"pinagiisipan ko nga po kung saan, ang totoo niyan gusto kung pumunta sa tondo!"

"sa tondo? Abay anong gagawin mo dun iha? magulo dun, baka kung mapaano ka." ngumiti ako. Isa talaga yun sa mga plano ko, gusto kung dumalaw. Wala narin akong naging contact kila Denver. Kumusta na kaya sila maui andun parin kaya sila?

"may mga dadalawin lang po akong kaybigan."

"ganun ba? Sige sasabihin ko si rodel na ipag drive ka papunta dun!"

"ay wag na po, gagamitin ko po yung isa sa sasakyan ni caleb hanggang dipa dumadating yung saakin!"

"o sige ipapahanda ko nalang kung ganun!"

"maraming salamat po!" titig na titig siyang napatingin saakin. Natawa ako!

Pagkatapos kung mag breakfast, umalis na ako agad. Marami akong gustong puntahan. Habang dipa ako nakakabalik sa trabaho.

Nakakamis din pala ang lugar kung saan ka lumaki. Iba ang hangin dito kesa sa ibang bansa. pero kahit ganun iba yung pakiramdam kapag sarili mo ng lugar. Nasa harapan na ako ng dati namin tinitirhan ni lola, ang lugar kung saan pag labas mo ikaw ang bida. Natawa ako!

Nakaka tuwang isipin na dito ako lumaki at nagka isip. Marami man ang nabago sa lugar na to, ngayon ganun parin yung mga tao. Pumikit ako saka inalala yung mga panahon na andito ako, nakikipag biruan sa mga lasing, nakikipaglaro sa mga bata. Araw araw akong kumakayod para sa kakainin namin. Laging pangarap ko nalang ang baon ko araw araw. Malungkot kung iisipin pero alam ko sa sarili kona yun yung pinaka masayang parte ng buhay ko!

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon