chapter 45

549 44 7
                                    


__

"Its been two weeks.. Anong plano mo? Gagawin mong office ang bahay? What is wrong with you Trina?"

Si trabis kung hindi ako nagkakamali ganito din yung sinabi niya sa'kin last week. Gusto kung marindi pero wag na.

Two weeks..

Dalawang linggo na akong nandito sa bahay lahat ng transaction ko pinapahatid ko nalang kay shin.  Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa. E pinapalala ko lang ang sitwasyon..

Nagtatago?

Ganun na nga.

Hindi ko na nagawang bumalik sa hospital. Congrats sa'kin. Sa katangahan ko!

Natatakot. O mas madaling sabihin na naduduwag ako.

Naduduwag ako sa kaalaman na baka maulit yun at muli siyang mapahamak  ng dahil sa'kin.

Urggg...

Hindi naman kaylangan ma apektuhan ang trabaho ko, yun parin ang nangyayari. Pati mga meetings ko sa client affected at lahat ng yun dahil sa katangahan ko.

"Tomorrow you have a meeting with our investor from canada. And im telling you trina sa labas ng bahay hindi dito. Understand?" Napangiwi akong tumango.

Umalis si trabis kaya balik trabaho na ulit ako. Hindi talaga magandang sa bahay magtrabaho, ligtas nga ako sa mga taong gustong pumatay sa'kin. Kay trabis naman hindi..

Kaylan ba kasi siya mag aasawa ng matahimik na kaming pareho tss..

Bumukas ulit ang pinto, sa pag aakalang isa ito sa mga kasambahay hindi na ako nag abala pang lumingon.

"Work at home for two weeks di ka ba na bo'bore?" Si caleb pala.. Ano't narito na naman ang isang to, wala ba siyang planong bumalik sa italy. Tsk tsk...

"Hindi na man. Try mo." Umismid lang ito.

"So ano? Kaylan mo balak magpakita sa boyfriend mo? Nakita ko siya kanina sa tapat ng building mo." Umangat ang tingin ko sa kanya. Biglang nalungkot ang puso ko.

Sobrang na mimis kona siya.

"Did he ask you?"

"Nope.." Umiling pa to.

"Okey.." Napabuntong hininga ako, ano bang inaasahan ko? Na kakausapin niya si caleb? Hindi sila close. Isa pa si daxton yun..

Si daxton.. Ang guapo kung boyfriend! Ma pride.

Yun lang at naglakad na ito paalis, pero bago pa man tuluyang makalabas lumingon muna ito. "Anyway may bisita ka sa baba." Makahulugan itong ngumiti.

Hindi na ako nagtanong alam ko naman na si aiven at raij lang yun. Tinapos ko na muna ang ilang papeles bago bumaba.

Shorts at oversize shirt naka tsinelas pambahay with may eyeglass, nakapusod lang ang mahaba kung buhok hindi pa ayus.

Ganun ako bumaba sa pag aakalang yung dalawa ang bisita ko.

Pero halos mapatalon ako when I see him standing, He's talking to caleb nakatalikod siya sa'kin.

Ng maramdaman niya ang presensya ko napalingon to with smile in he's lips.

He's so hot with v'neck white shirt hapit na hapit yun sa katawan niya. Damn those abs!

shiitt goodmorning sunshine..

Nailing ako naging bastos na tong utak ko..

Pero paano sila nakapasok? Umalis kaya si trabis?

"Hi." Bati niya. God gusto ko siyang takbuhin at yakapin halikan at hawakan yun.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon