Chapter 25

837 60 15
                                    

MALALIM akong Napabuntong hininga habang palipat lipat ng tingin sa pinto ng restaurant kung saan kami magkikita ni mama tinawagan ko siya kanina, nag skip pa ako ng klase ko para sa oras na ito. Hindi ako matahimik lalo na't nanaginip nanaman ako, gusto kung matukoy kung sino sila. ngayon malinaw na saakin na yung dalawang bata ay yun din ang mga bata sa lalarawan na nakadikit sa pendant pero yung mukha ng mga magulang ng dalawa ay hindi malinaw sa panaginip ko ang labo nila tanging mga boses lang nila ang aking naririnig.

Para na akong nababaliw sa isiping yun halos hindi na ako makatulog. Kahit anong gawin ko laging bumabagabag saakin.
Pilitin ko man makaalala baka totoo yung sinabi ni lola na nawala sa memorya ko pero wala e.

Kahit isipin kung tama siya na may connection sa buhay ko ang mga yun. wala akong maisip dahil pakiramdam ko impossible yun.

Yun ang sinasabi ng isip ko, pero hindi ng puso ko.

Napahinga ako ng malalim ng makita kung pumasok si mama malayo ang pwesto ko sa pinto pero natatanaw ko parin ang papasok sa loob, iginala  paning niya alam kong hinahanap niya ako.

hinayaan ko siyang makita niya ako, kung hindi lang dahil sa gumugulo sa saakin hinding hindi ko siya kakausapin dahil sa mga oras na to hindi pa ako handang makita o makausap siya, sadyang wala lang akong ibang paraan para malaman ito.

"pasensya kana anak at medyo traffic!" bumeso siya saakin pero inilag ko ang pisngi ko. Nung tingnan ko siya, hindi ako makapaniwala sa nakita kung pait sa mata niya! Napaismid ako sa kawalan, kahit kaylan ang galing niyang umarte, sa bagay graduate si mama ng music art, kung my nakuha man akong katangian niya bukod sa ganda ay yung kagalingan niya sa pagkanta..

At yun na nga umupo na siya sa harapan ko.
"mabilis lang naman itong pag uusapan natin, hanggad kung sana ay totoo lahat ng sagot na isasagot niyo." nakita yung gulat sa mukha niya. "h-hindi ba mona tayo kakain? Yaring andito naman tayo anak!"

"sige ho!"

Tinawag niya ang waiter ay siya na nag order hindi nalang din ako nagsalita, hindi naman ako ang magbabayad.

Napaismid ako ng dumating ang order niya sobrang dami, hindi ko alam kung huling araw kona to o ano. Hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa!

Kung si boyfriend lang to baka pumalapak pa ako sa tuwa sa dami nito, aaminin kung paboreto ko lahat ng nakahain pero wala akong ni katiting na tuwa.

Minsan hindi kona alam kung saan nanggaling yung galit ko ko basta ito yung nararamdaman ko.

"k-kain k-kana a-anak!"

Anak.. Salitang matagal ko rin hindi naririnig salitang pinaalala ko sa kanya nung mga panahon na sinasaktan niya ako..

Napayuko ako para hindi niya makita ang luhang nagbabadya sa mata ko. Palihim ko yun pinunasan!

Hindi ko ginalaw ang pagkain, kabastusan mang isipin pero gusto ko ng magtanong para matapos na.

Bumuntong hininga ako.

"a-ano b-ba yung itatanong mo nak?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay inilabas ko yung kwintas na dala ko. Dahan-dahan ko yun nilapag sa harapan niya.

Nakita ko kung paano siya nagulat, kung paano nanlalaki ang mata niya habang pabalik balik ang tingin sa kwintas at saakin..

Sa kilos palang niya alam ko na. Dun palang alam kong may alam siya, maaaring hindi lang niya napaghandaan ang oras na ito.

Nanginginig ang kamay niyang pinulot yun saka ikinulong sa mga palad niya.

"anong connection ng kwintas nayan sa buhay ko? Bat nasa akin yan? Sino si trina at travis? Bat nakikita ko sila sa panaginip ko?"

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon