Chapter 30

559 46 1
                                    

Daxton

__

Agad akong napabangon ng tumunog ang alarm clock ko, gusto ko pang matulog dahil late na akong nakauwi kagabi galing sa operation isa yung robbery nauwi sa barilan dahil masyadong armado ang mga holdaper, halos dumating na lahat ng hukbo ng kapulisan, Nbi, at swat. Naging madugo ang ikwentro may mga sugatan saamin pero wala naman namatay.

Mabuti nalang at natapos din yun at sumuko sila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan yun, hanggang ngayon wala parin reply si mosquito sa mga text ko, iniisip ko nalang na busy siya dahil sa mga paper works niya pero minsan pakiramdam ko umiiwas siya mahigit isang linggo narin ng huli kaming magkita hindi ko narin inulit yung paghatid ko dahil everytime na pumupunta ako sa kanila para sundin siya wala na siya at nakaalis na daw sabi ni lola, nakapagtataka dahil hindi naman niya yun gawain.

Nasasaktan na ako sa lagay ng relasyon namin pero kahit ganun i want to hear her explanation, gusto kong malaman ang rason niya kung nagkakaganun siya.

"sir dumating na po yung suit niyo pinadiliver ng mommy niyo!" salubong saakin ng isa sa kasambahay. "sige pakipasok nalang sa kwarto ko salamat!"

"good morning!" bati ko sa pamilya ko.

"morning son!" si dad

"upo na nak." si mom na agad akong nilagyan ng pagkain.

"anong itsura yan twin? Good morning!" si Dixie. "mukha kang puyat pero mas lamang yung hmm.. Never mind!" Napabuntong hininga ako, hindi na ako magtataka kung nararamdaman niya, whats new kambal kami.

"wag kang malalate mamaya Daxton we need to be there, on time please!"

Paalala ni mommy ng paalis na ako.

"yes mom!"

"you too Dixie, matagal na tayong di nakakapunta sa SBI darating din ang ibang stockholder."

"okey mom!"

"Elyzer.."

"yes babe hindi ako malalate promise!" si dad.

"dapat lang dahil nakakahiya kay dean! Sige ingat kayo!"

Pagkatapos ng mahabang reminders ni mom umalis na kami halos sabay, dumeretso ako sa HQ.

"congrats saatin capt!" salubong ni lacsama saakin pagpasok.

"ang galing ng tandem niyo ni Sargent yael." si Rosario.

"magaling tayong lahat!" ngiti ko.

"ano yan at narinig ko ang pangalan ko? Ang guapo ko ba pinag chi-chismisan niyo ako!" singit ni yael na bagong dating. Napaismid nalang ako saka naglakad sa papunta sa table ko.

Maya maya ay kinalabit niya ako "woi pre may balita ako!" at talagang sumunod siya saakin.

"tch.. Balita o chismis?"

"parehas pre!" ngising ngising sabi niya. Proud talaga ang loko!

"narinig kung naguusap si major pati si general hernandez--"

Tiningnan ko siya ng masama..

"hindi ako nag ear drop pre! kung makatingin ka mapanghusga." ismid niya. "yun na nga pre nagka interest lang naman ako ng marinig ko ang pangalan mo!"

"ano daw?"

"seems your interested huh!" gusto ko siyang upakan nalang.

"ano nga?"

"secret pre! Sigurado naman akong ipapatawag ka mamaya, isa pa hind ko narinig ng malinaw yung usapan!"

"tch! Umalis kana nga" kairita, ang aga e!

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon