Chapter 12

1K 76 23
                                    


BITBIT ang mga pinadrive tru ko sa jollibe, naglakad ako papuntang park kung saan andun si Marjorie pati mga bata. Pagkatapos namin mag usap kanina, after niyang kumalma sa pag iyak ay pumunta na agad ako dito. Hindi ko alam paano magpakalma ng babae kaya naman nagtanong ako kay yael puro panunukso ang natanggap ko so i decide to call kuya niccos kaya ito pati ice cream at cake ay bitbit ko..

Ni hindi ko alam bat ko to ginagawa!

"Kuya, anjan na si kuya!" sigaw nila na agad ng tumakbo papunta saakin. "hey kids!" bati ko sa kanila.. Inabot ko yung mga dala ko sa kanila pagkatapos ay lumingon ako sa kinaroroonan ni Marjorie na ngayon malapad ng nakangiti, hawak ang gitara at nakaupo siya sa sulok ng isang malapad na puno mukhang naglatag pa ng banig..

Pinaghandaan e..

"you ok now?" tanong ko nung makalapit ako, sabay lapag ng cake at ice cream sa harap niya.. Tumingala ito saka tiningnan yung dala ko, namimilog ang matang Napatingin saakin saka tumayo at agad napayakap saakin, i stilled!

"thank you boyfriend!" napayakap narin ako sa kanya.. "kain kana!" agad siyang bumitaw saakin, ngiting ngiti niyang binuksan ang dala ko.. "jusmiyo serep!" hindi mawala ang titig ko sa kanya, she looks adorable, parang siyang batang nakuha yung gusto. And seeing her like this made me happy..

"ang sarap tikman mo." hindi pa man ako nakakasagot at naisubo na niya saakin ang maliit na piraso ng fried chicken..

"masarap?" tanong niya ulit..

"yes, masarap!"

"sabi saiyo e." saka ito ngumiti.. "alamo bang stressed free ko ang pagkain?"

"halata nga!"

"salamat ha! Ini-spoiled mo ako, minsan nakakahiya na, pero dahil wala naman akong hiya ayaw kung mahiya." saka ito sumubo ulit saka sinubuan ako.

napakagaan lang niyang pag masdan habang kumakain. Para siyang bata ito yung isa sa mga ugali niyang gusto ko, yung lagi niyang naa-appreciate ang maliliit na bagay..

"Wag mo akong tingnang ng ganyan boyfriend."

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya hindi ko din alam kung bakit gustong-gusto ko siyang titigan sa mukha.

"naiilang kaba?" tanong ko!

"hindi. Feeling ko lang gandang ganda ka saakin."

Napaismid ako..

"walang bagyo, pero bakit lumakas ang hangin?" biro ko. Pero tumawa lang ito!

"bagyong magandang Marjorie yan!"

"hanep sa confident e"

"aba sempre, wala naman nagsasabing maganda ako, kaya ako nalang pupuri sa sarili ko. Love yourself ganern!"

Hindi nalang ako nagsalita nakikain nalang ako, nagtaka pa ako ng konti nalang ang natira sa isang bucket, tumingin ako sa kanya at mukha pa siyang gutom grabee, sa payat niyang yan saan kaya niya nilalagay ang pagkain.

"ang sarap ng feeling ko boyfriend, feeling ko nga nasa isang Park tayo-"

"-we're in the park!"

"Oo nga, pero yung feeling ko, mag asawa tayo, tapos nagpi-picnic kasama yung mga anak natin!" ngisi nitong sabi.

Bigla akong inubo, pakiramdam ko nalunok ko yung isang pirasong manok at tumigil yun sa lalamunan ko.

Nakasimangot siyang nag abot ng tubig,

"tangina sa reaction, parang gusto kitang sakalin pasalamat ka guapo ka at bagay ka sa future ko." nakanguso nitong sabi. Sabay himas sa likod ko.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon