Chapter 7

1K 87 27
                                    


Police pala siya jusmiyo kaya pala ang galing niyang makipaglaban?

Parang sirang plakang paulit ulit yun sa utak ko, bat diko nalaman nung una? Anong gagawin ko ngayon paano ako iiwas? Tatakas na naman ako? Paano si lola? Ayaw kung magtiwala na natatakot ako, minsan na akong naloko ng police, dahil sa mga pulis kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. Kahit isipin kong iba siya at hindi lahat ganun, may takot parin akong nararamdaman..

Letseng buhay to, bat kasi ang guapo ng king ina.. Malay ko bang police siya! May mga guapo naman na police pero itong si boyfriend iba e..

Hindi ko ma explain, wala sa itsura niya at take note Military police. Jusmiyo katapusan kona ata..

Kahit naman maganda ako e may kasalanan parin akong dapat panagutan sa batas. Hindi sapat na magsisi lang ako. Pero inaalala ko si lola pag nalaman niya ang mga ginawa ko..

Wag naman..

Pero bat siya sumamang tumakbo saakin ng hinabol ako? Bat niya ako tinulungan?

Hindi kaya kasama yun sa plano niya? Para makuha ang tiwala ko?

Ang masama noon, nasabi kona lahat e. Gusto kong umiyak! kaya pala ganun nalang ang kagustuhan niyang tulungan ako, kaya pala lagi niyang sinasabi na.. Ako ang bahala!

Kasi naman e, Marjorie naman e, ang tanga-tanga mo! Naiyak ako..

"hey miss no filter!" tawag saakin ng kung sino. Ako talaga yun dahil wala naman tao dito! Agad kung pinunasan ang luha ko saka Lumingon, yung kasama niya kanina mukhang pagod na pagod ito dahil humahangos itong palapit saakin.

Tumakbo ba to? Mukha nga!

"ang bilis mo maglakad!" sabi niya ng makalapit saakin. Gusto ko tuloy matawa!

"anong kaylangan mo? Bat mo ako sinundan?" tanong ko, sa mataray na boses, saka namaywang, medyo sinamaan ko pa siya ng tingin pero ang walanghiya ngumiti lang.

bat ba mga guapong nilalang na nakikilala ko ngayon.

Hindi kaya kaluluwa ko nalang tong gumagalaw? Hindi kaya namatay na ako pero ayaw pa ng kaluluwa tumawid kasi may gagawin pa ako sa lupa?

"aray.." nasapo ko ang noo ko na pitik niya..

"makatitig ka parang nanamantala ah!" ngisi niya. Pinaikotan ko siya ng mata!

"feelingero ka!" ismid ko. Pero lalong siyang tumawa, nawala tuloy yung mata niya, may lahi ata to e.. "inutusan ako ni boyfriend, sundan daw kita baka madapa ka, bilis mo maglakad e, may lahi ka bang ostrich?"

"ano?"

"wala.. Bat ka nga pala umalis dun?"

"makapag tanong ka. Close tayo?"

"hindi. Isipin mo nalang na nawawala ako tapos good samaritan ka!" sabi niyang tawang tawa parin. Joke ba yun?

"happy kana?" tanong ko, kaya bigla siyang nag seryoso..

"we're here to protect you ok?"

"wag kang mag english."

"andito kam-"

"-naintindihan ko."

Napakamot siya ng ulo..

"naikwento na saakin ni boyfriend lahat."

Pati siya nakiki boyfriend kaloka..

"P-pulis ka din?"

"Pulis Sergeant Yael Muhajil Jr!" sabay yuko niya.. "at your service maam.*

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon