Third person POV..
Inis na sumakay si yael sa sasakyan niya, hindi dahil sa nalaman niya kundi dahil sa pakiramdam na wala siyang magawa. Naiinis siya dahil totoo ang sinabi ni daxton. Kaya nagagalit siya sa kanyang sarili. Alam niya na may magagawa siya. Pero nahihirapan siya, gusto niyang malutas ang kaso kaya nga ginawa niya ang lahat para makuha ito, ngayon nalaman na niya ang taong nasa likod ng pagpatay sa senator biglang nahirapan siya.
Alam niya sa sarili na hindi niya kayang huliin si marjorie katulad sa ginagawa niya sa mga criminal. "Fuck." He hissed.
Frustrated siya.. Sobrang gulo ng sitwasyon.
At naiintindihan niya ang kaybigan na si daxton kung bakit nagawa niyang ilihim ang bagay na yun sa kanya.
"Taenang buhay to. Sarap mag boldstar." Napailing siya sa naisip. "Pwedi naman macho dancer obob mo self."
Nakarating siya sa bar kung saan lagi silang nakatambay na magkakaibigan sa lugar kung saan niya unang nakilala ang kaybigan na si marjorie..
"Tsk..dito niya kami sinigawan e. Lanyang yun! Biruin mong ang yaman na, e dati waitress sa gabi, janitress sa umaga, tapos ngayon hays.." Para siyang tanga na nagsasalita.
"Isang shot pa nga" sabi niya sa bartender sumunod naman ito halos isang oras na siyang andun, nakailang baso na siya pero hindi parin niya maramdaman ang alak.
"Ano bang pumasok sa isip ko at pumunta ako dito mag isa? Tuloy wala akong makausap hay.." Kanina parin niya kinakausap mag isa ang sarili.
Samantalang sa di kalayuan andun nakatayo si liz na kanina pa nakatingin kay yael habang nakakunot ang noo. "Parang tanga kinakausap ang sarili." Umiiling pa ito. ng di nakataiis ay tumabi siya rito..
"Isang baso nga." Hingi niya sa bartender. Pagkatapos niyang malagok ang alak nilingon niya ang katabi. Natatawa pa ito dahil nilalaro niya ang baso minsan ay kinakausap ito. "Hoy bat nag iisa ka?" Kalabit niya dito.
Para naman nakakita ng multo si yael pagkakita kay liz. Hinawakan pa niya ito sa pisngi tsaka pinisil. Kaya pinalo ni liz ang kamay niya.
"Hoy Karin..bat andito ka sinusundan mo ba ako? Sabi na nga ba at may crush karin sa 'kin e." Napaismid nalang ang huli.
"Hindi kalang pandak feelingero kadin."
"At least guapo."
"Oo na..tss! Ano nga? bat andito ka hindi ka ba pumunta sa dinner sa bahay nila boss?" Pagtukoy niya kay daxton.
"Chismosa Karin e...bagay kayo ng ate ko, kaya ano pang hinihintay mo sagutin mo na ako para pwedi na kayong sister in law." Sabay tawa nito.
"Hindi kapa lasing niyan a." Lalo lang itong napaismid.
"Mataas ang tolerance ko sa alak kaya kung may balak ka, ituloy muna hahaha!"
"Gago. Yuck eiwww!"
"Arte mo." Ismid nito.
"Maganda naman."
"Kaya nga bagay tayo. Guapo ako maganda ka perfect." Pumitik pa si yael sa ere habang sinasabi yun tuloy hindi napigilan ni liz na matawa. Kaya nakalimutan niya na hindi siya sinipot ng ka date niya.
"So bat nga hindi mo kasama si bossing? Sanggang dikit kayo noon tapos ikaw andito mag isa habang kausap ang baso para kang tanga." Pagdaldal nito.
"Ang daldal mo. Unang una, ano bang masama kung mag isa ako? Tanggap ko naman na siya may jowa ako wala." Pagdadrama nito. Umismid lang si liz. "Deh joke lang. Heheh!" Sabay peace sign nito.
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KUNG POLICE
FanfictionThis story of Daxton Jhames Barber Son of Captain Margaret and Elyzer Justine. @BRubzxxx 2020 Mature content All Rights reserve