Chapter 53

452 33 18
                                    

Daxton Pov.

Pasipol sipol ako habang nagalalakad bitbit ang dalawang kape na dinaanan kopa sa Starbucks. nasa hallway ako ng dati kung head quarter sinadsya kung hindi muna pumasok sa opisina ng maaga total e wala naman akong meetings, isa pa e nagtatampo na si yael dahil hindi na daw ako nadalaw sa kanila alam ko naman,  naiintindihan naman niya kung bakit, im busy man yeah.

"Good morning." Balik bati ko sa lahat ng nakasalubong sabay tango. Karamihan sa kanila ay bago kaya iilan lang yung kilala ko.

Dumeretso ako kung saan ang opisina ni tito alvin, bago ako pumunta kay yael. Tulad ng inaasahan ko busy ang gago. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakita.
Maingat kong nilapag ang dala ko sa mesa niya saka pabagsak na naupo. Gulat siyang napatingin saakin.

"Ginagawa mo?" Tanong niya. Mali hindi siya mukhang nagulat.

"Dinadalaw ka." Sagot ko. Tulad ng inaasahan ko, tumayo siya at lumapit sa 'kin saka maingat na sinalat ang noo ko. "Ayus ka naman, hindi ka naman nilalagnat."

Anak ng..

Tinabig ko ang kamay niya.. "Gago."

Hinawakan niya ang noo ko saka nagsalita ng orasyon ng kagaguhan.

"Masamang ispiruto na dumapo sa katawang lupa ni daxton my friend, wag ka ng lumabas diyan ka nalang forever."

"Tarantado." Tinabig ko ang kamay niya.

Tawang tawa siya. "Hindi ako makapaniwala pre, anong masamang hangin ang nagdala saiyo rito.?"

"Ulol. Makapagsalita ka parang di ako nadalaw saiyo a."

"Nadalaw na man, pero may bitbit kang kape ? Ngayon lang to pre.." Tapos tumawa siya.

"Ikaw na nga tong pinuntahan."

"So ano? Alam ko naman na hindi ka pumunta dito ng walang imamarites sa 'kin ano na?"

"Ulol.. Wala lang akong meeting ng maaga kaya naisipan kitang dalawin kako e baka dika na dinadalaw ng pamilya mo, kawawa ka naman." Ngisi ko..

"Gago..anong tingin mo sa 'kin naka detaine?" Sabay kaming natawa.

"Ganda ng office mo a pang major general."

"Maliit na bagay, wag mo ng pansinin baka magtampo kapa.." Napaismid ako. Totoo naman na nakakatampo wala akong sariling opisina noon andito pa ako.

"So? Kumusta byaheng bataan?" Tanong niya. Hindi ko inaasahan yun kaya nabilaukan ako ng kape na iniinom ko. Kaya pa ubo ubo akong napatingin sakanya.

"Ngayon ko lang napagtanto na nakakabilaok pala ang kape.  yung kape ba talaga o yung tanong?" Makahulagan siyang ngumiti. "Ang weird mo pre, kanina ko pa napapansin hmmp." Sinamaan ko siya ng tingin. Di man lang ako inabutan ng tubig.

"Napaka gago mo." Singhal ko. 

"Hahahaha.. Kwentuhan mo ako pre tungkol sa bataan maganda ba dun.. Tingin ko maganda dun, sa itsura mo palang."

"Anong itsura? Anong kinalaman non?"

"Ayan oh.. Kumikinang ang mata mo wari ko'y ika'y nasa alapaap, ano pre may nangyari ba?" Bulong niya sakin na para bang may kasama kami sa opisina niya.  Kaya naman binatukan kona.

Nakangisi lang siyang tumingin sa'kin.

"Ahh may nangyari nga."

"Alis na ako, nasa maling opisina pala ako." Tumayo ako at astang mag lalakad. "Sus..sige na wag na mag kwento, kay maj nalang ako magtatanong."

"Pag ikaw sinapak ko dalawang buwan kang tulog." Inis akong naupo ulit.. Tawang tawa naman siya, hinayaan kona. Saya niya hmm...

Pinanoud ko lang siya sa ginagawa nya. Pasulyap-sulyap sa cellphone ko. Hinintay ko ang tawag ni mosquito.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon