chapter 47

691 47 17
                                    


"Daxton..si dad..si dad. Hes dead." Hagulgul ni daisy ng makita ako. Agad siyang napayakap sa'kin.  Senator santiago i know him, He's nice guy. We're really close alam niya ang relasyon namin ng anak niya.

Hindi siya against kahit pa alam niyang hanggang kaibigan lang kami. Hindi niya minsan pinilit sa'kin si daisy. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit siya pinatay. I don't know what to say I just can't believe it.

Alam kung marami siyang kaaway sa pulitika.. Madalas niyang nababanggit sa'kin yun pero hindi ko inaasahan na masyadong napaaga ng ganito.

Napatingin ako kay yael na ngayon naglalakad patungo sa'min, nakayakap parin sa'kin si daisy habang umiiyak. "Pre." Pinauna ko siya kanina dito dahil narin sa kaylangan siya para sa imbistigasyon.

"How was it?"

"Brutal pre." Huli na ng marealize niyang nakayakap sa'kin si daisy na ngayon lalong nilakasan ng iyak. "Tahan na." Pag alo ko. Daisy is a strong woman and I admire her for that. Hinatid ko muna siya sa sala nila para makausap si yael. Muli ko pa siyang tinaponan ng tingin. Wala na yung sopistikadang babaeng kilala ko. Gulo gulo ang buhok walang kahit na anong make up sa mukha. Napailing ako!

Ayaw pa niya akong bitawan pero sinabi kung babalik ako.

"What do mean?" I asked yael.

"Five of he's men are dead. May naka survive na dalawa unconscious pa yung isa." Napailing ito.

"Tingin ko pre skilled killer ang may gawa nito Pre. pare pareho ang sugat nila. At dagger ang ginamit sa pagpatay. At si senator pre. Tingin ko din ay malaki ang galit nung pumatay she did tortured the senator. F*ck hayup lang may kayang gumawa nito." Damang dama ko ang galit ni yael.

"How's the cctv camera my nakuha ba kayo?"

"I told you skilled killer ang gumawa nito. Walang iniwan na bakas, malinis ang trabaho. but one thing she forgot...the maids."

"Wait..wait... She? Babae?"

"Yes..babae. Yun ang sabi ng mga kasambahay, nakatakip daw ito ng mukha tanging mata lang ang nakikita. Mabilis gumalaw."

"Nakatakip pala. Paano nila nalaman na babae?"

Unbelievable..

"Nagsalita, humingi ng paumanhin dun sa matandang mayordoma. She did release them before went out. Bilib din naman ako sa killer ni senator, demonyong may puso.."

Sarkastiko pa tong natawa..

Devil with a heart hu?

"Sa tingin mo is this related for politics?"

"Yan din ang tanong ko pre."

"Wala din akong naiisip na gagawa nito kundi mga kalaban niya sa politika." Napaisip siya sa sinabi ko.

"Pero ang pinagtataka ko pre ang klase ng pagpatay. I don't think this is political matter.  Mas may malalim na dahilan."

"What do you mean?"

"Hindi ko din alam. Pero malakas ang kutob ko this is not related to politics."

Kung Hindi pulitika? Ano? Sino may gawa nito? Anong dahilan?

Ang gulo..

--

Ngayon ang unang araw ng burol  ni senator. Marami na ang tao nung araw din na mamatay ang senator dumating ang pamilya nito galing ibang bansa, lahat ay sumisigaw ng hustisya. Pati yung mga taong sumusuporta sa kanya ay ganun.

Mabuti kasing tao ang senator yun ang pagkakilala ko sa kanya.

Ako kasama ng pamilya ko ay dumalo sa burol, kahit ang mommy ko ay hindi makapaniwala sa nangyari sa senator. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila.

ANG BOYFRIEND KUNG POLICE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon