Until Series #1: Until We Meet Again
Until Series #2: Until It Fades Away
Story by: Mysterielee
P A U M I
"Ayoko na!" inis na bulalas ko sabay subsob sa lamesa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang oras na 'kong nandito sa coffee shop malapit sa school pero wala pa rin pumapasok na idea sa utak ko. Ilang minuto na lang din bago magsimula ang klase.
Bumuntong hininga ako bago isa-isang pinilas sa sketch pad ang mga mali kong ginawa sabay tupi at lagay sa may bulsa ng bag ko. Remembrance lang, para alam ko kung ano ang itatama next time.
"Wala ka pa run nagagawa?"
Lumingon ako kay Brooks sabay nguso. "Drain na ata ang utak ko sa dami ng plates na ginawa namin nitong week."
Nilapag muna niya ang pangalawang kape na in-order namin. Kinuha ko agad iyon at humigop habang tumitingin sa labas ng glass window.
Dito talaga kami pumuwesto sa may tapat ng bintana, awkward man sa iba na umupo rito pero mas nakakakuha ako ng inspirasyon kung natatanaw ko ang labas.
"Sabi ko naman sa 'yo, ako na lang kunin mong model,” sabi niya sabay pose ng pogi sign.
Natawa ako sa ginawa niya. Pero mukhang maganda ang suggestion niya ah.
Kinuha ko agad ang lapis ko sabay hawak sa mga balikat niya at pinilit na iharap ang katawan sa akin. Pinasingkitan ko ang mga mata ko habang tinitingnan ang anggulo ni Brooks.
Pero agad lang akong napailing at umayos na lang ulit ng pagkakaupo.
"Ano na? Wala kang ibabayad kung ako model mo,” natatawang bigkas niya. "Basta siguraduhin mo lang na hindi ako mamamatay sa story mo ah?"
Tuloy-tuloy siya sa pagtawa pero agad din nahinto nang makitang bumuntong hininga ako. Inabot ko ang kape sa harap ko at walang ganang ininom ito habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa labas.
"Pang second lead lang ang bagay sa itsura mo, hindi ka bagay maging main protagonist,” malungkot na bigkas ko.
Narinig ko siyang tumawa ulit. "Aray ha, sakit naman no'n,” sabi nito sabay hawak pa sa puso niya. "Ano ba kasing itsura ang hinahanap mo?"
Napa isip ako sa sinabi niya. Napakagat pa 'ko sa ibabang labi ko habang iniisip kung ano nga ba ang hanap kong itsura ng isang main protagonist.
"Pogi."
Agad lang ako nitong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. "Anong ibig sabihin no'n? Hindi ako g'wapo?" seryosong sabi niya sa 'kin.
Nagulat ako sa pagbabago ng tono ng pananalita niya kaya hindi ko maiwasang matakot. Sa tagal namin magkaibigan ay hindi naging seryoso ang pakikitungo niya sa 'kin kaya medyo kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya ngayon.
"Hindi naman sa gano'n," nanginginig kong saad. "Para sa akin kasi, may iba't-ibang klase ng itsura. Meron gwapo na pangmatagalan at meron din naman 'yung sa unang tingin lang. Ayoko lang na mag sawa ang readers ko sa itsura ng protagonist pero kung gusto mo naman pwede naman kitang gawin main-----"
Bigla akong nahinto sa pagpapaliwanag nang tumawa siya bigla. Ngumuso lang ako at binalik na lamang ang tingin sa labas.
Kinabahan ako do'n ah. Tapos pinagti-tripan lang pala niya 'ko.
"Binibiro lang naman kita, masiyado mo naman sineryoso," natatawa pa rin na bigkas niya.
Nagpahalumbaba na lang ako sa may lamesa habang nakanguso dahil sa ginawa niya sa 'kin pero agad akong napa diretso ng upo nang may matanaw ako mula sa malayo.
Pinasingkitan ko agad ang mga mata ko dito pero agad din lumaki nang dahil sa nakita ko. Hindi sa pagiging OA pero kuminang agad ang mga mata ko at lumawak ang ngiti ko dahil do'n.
"Oy, Paumi! San ka pupunta!?"
Hindi ko pinansin si Brooks at dire-diretso lang na lumabas sa coffee shop. Pati gamit ko ay iniwan ko para lang mahabol ang lalaking nakita ko.
"KUYA!!" tawag ko pero mukhang hindi naman niya narinig.
Kahit I.D lang please, kahit makita ko lang kung ano ang kulay ng I.D mo sapat na sa 'kin. Atleast, alam ko kung saan kita hahanapin.
"KUYANG NAKAPUTI!!" sigaw kong muli.
Pero mukhang hindi ko dapat sinigaw 'yon dahil biglang lumingon sa akin ang mga lalaking nasa paligid ko. Napakagat labi naman ako sabay takip sa mukha habang dahan-dahan na umaalis sa crime scene.
Malamang lilingon silang lahat dahil puti ang uniform dito sa school niyo.
Kung 'di ka lang din talaga bobo, Paumi!
Nang makalayo na 'ko sa kanila ay tumakbo na ulit ako para sundan ang lalaki pero pagtingin ko sa paligid ay wala na ito at tanging mga ibang estudyante na lang ang nakikita ko.
"Paumi, ba't ka ba tumakbo?" hindi ko pinansin si Brooks at nanatiling hinanap ang lalaki.
Tumingin pa 'ko sa mga glass window ng bawat restaurant para lang makita ang lalaki pero hindi ko na talaga siya nakita. Hindi naman naalis sa mga labi ko ang malaking ngiti kahit hindi ko na nakita si kuya.
Kusa na lang na lumalaki ang mga ngiti ko sa tuwing inaalala ang mukha niya. Maputi na matangkad, seryoso pero ramdam mo sa vibes niya ang pagiging friendly, at higit sa lahat ang pagkaka-detailed ng features niya.
College student lang ba talaga siya.
Hinihingal akong hinila ni Brooks sa sulok sabay hawak sa magkabilaang balikat ko. "Ano bang nangyari?" nag aalalang tanong niya.
Hinawakan ko rin ang balikat niya at masayang sinabi ang magandang balita. "Nahanap ko na ang main protagonist ko!" kinikilig kong tili.
Huminga muna ako ng malalim bago kinikilig na hinampas si Brooks sa balikat. "Gusto ko na siyang i-sketch ngayon palang!"
Hindi ko alam kung kelan ko ulit naramdaman ang ganitong excitement dahil lang sa may nakita akong bagay sa character na gagawin ko. Pero naisip ko, ganito naman talaga ako lagi sa tuwing may nakikita akong inspirasyon.
"Anong department?" takhang tanong niya sabay abot sa 'kin ng mga gamit ko.
Kinuha ko ito agad sa kamay niya at sinukbit ang bag sa likod ko. "'Yon nga eh, hindi ko nakita ang kulay nung I.D lace."
Pero hindi 'yon magiging hadlang nang kalungkutan ko. As long as, alam ko ang itsura niya, hindi ako magsasawang hanapin siya sa buong school. Kahit abutin pa 'ko ng ilang taon.
Hahanapin ko siya kahit na anong mangyari
My protagonist.
**
(*˘︶˘*).。*♡
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...