P A U M I
“Nasan si Karl?” bungad sa'kin ni ate.
Umiwas lang ako rito ng tingin bago sagutin ang tanong niya, “hindi ko alam,” pagsisinungaling ko.
Pumasok na 'ko nang tuluyan sa bahay namin. Hindi ko naman talaga alam kung nasan na si Karl, hindi ko alam kung sumunod ba siya sa'kin o nagpaiwan do'n. Pinikit ko lang ng mariin ang mga mata ko sa tuwing naiisip ang expression niya kanina.
Huminga ako ng malalim bago lumapit kay nanay na nagbibilang at naglilista ng kung ano sa lamesa.
“Aalis na 'ko ngayong gabi, nay,” pagpapaalam ko.
Hindi niya inangat ang tingin sa'kin at nanatiling busy sa ginagawa. Do'n ko lang napansin na binibilang na pala niya at nililista ang mga babayaran. Pati ang mga utang niya ay nakasulat doon sa isang notebook na pinagsusulatan niya.
“Gabi na, bakit ngayon ka pa aalis.”
Nalunok ko ang sariling laway bago umiwas ng tingin. “May pinapatrabaho kasi sa'kin 'yung boss ko, nay. Kailangan ko na siyang gawin ngayon para hindi makaltas sa sahod ko.”
Pagkarinig na pagkarinig ni nanay no'n ay inangat niya ang tingin sa'kin. “Ano pang ginagawa mo sa harap ko? Bilisan mo na at baka mahuli ka sa huling byahe ng bus.”
Ngumiti lang ako rito nang bahagya bago tumango. Umakyat na 'ko agad sa kwarto ko para mag impake. Pero hindi ko alam na sinundan pala ako ni ate rito sa taas.
“Hoy, alam kong ikaw ang pinuntahan ni Karl kaya sabihin mo na sa'kin kung nasan siya ngayon,” aniya sabay tulak pa sa likod ko nang bahagya.
Hindi ko siya pinansin at sinukbit na ang pink kong bag sa likod ko. Hindi na rin ako nag-abalang magpalit ng dami dahil ayokong maiwanan ng huling byahe ng bus. Bababa na sana ako mula rito sa taas nang makonsensya ako bigla sa ginawa ko kay Karl.
Huminga ako ng malalim bago hinarap si ate. “Diretsohin mo 'yung kanto nila aling Tisay, baka makasalubong mo siya do'n.”
Ngumiti naman sa'kin si ate bago nagmamadaling bumaba at lumabas ng bahay. Atleast, may sasalubong kay Karl. Okay na siguro 'yon. Kahit feeling ko bumigat ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ko.
Tinuloy ko na ang pagbaba sa hagdan. Pumunta agad ako sa gawi ni nanay para magmano at magpaalam. Pinag-ingat lang ako nito at sinabihan na magtext kapag nakarating na ako sa Maynila. Tumango ako at lumabas na sa bahay namin.
Hindi na 'ko nag abalang lumingon sa likod ko dahil lakad-takbo ang ginawa ko para makalayo agad doon. Hindi ko alam kung bakit gusto kong lumayo agad. Hindi ko lang siguro kayang harapin ngayon si Karl.
Alam kong nasaktan siya. Kita naman kasi sa mga mata niya. Pero mas nasasaktan ako kung makikita siya sa gano'ng kalagayan.
Pumara agad ako ng tricycle sa kanto para maihatid ako nito sa terminal. At buti na lang ay mabilis ang byahe dahil muntik na 'kong maiwan ng huling biyahe ng bus papuntang Maynila.
Umupo ako sa may dalawahan na upuan. Kinandong ko ang bag ko kahit wala naman nakaupo sa tabi ko. Delikado na, baka mamaya ipabayad pa sa'kin. Sakto pa naman ang pamasahe ko ngayon.
Hinihintay kong makaalis ang bus pero nakakailang segundo na ay hindi pa rin ito umaandar. Kumunot ang noo ko dahil do'n at makiki-ususyo na sana nang biglang may umupo sa tabi ko. Kusang nanlaki ang mga mata ko nang makita siya rito.
Nang dumating siya ay do'n lang nagsimulang umandar ang bus na sinasakyan namin. Ngumiti ito sa'kin kaya hindi ko maiwasang magtakha lalo na nang makitang wala man lang siyang kadala-dalang gamit.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...