P A U M I
"Salamat po, kuya."
Tumango lang naman siya sa'kin pagkatapos kong magbayad. Tumingin ako sa paligid pagkababang-pagkababa ko sa tricycle. Walang pinagbago, gano'n pa rin ang itsura simula nang umalis ako.
Kusang kumurba ang isang ngiti sa labi ko nang maalala ang mga masasayang alala sa lugar na ito. Pero agad na nawala ang ngiti ko at bumuntong hininga nang maalala ko rin ang paghihirap ko rito.
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bagpack ko bago ko sinimulang humakbang. Hindi ako naibaba ng tricycle sa pinakabahay namin dahil masiyado nang lubak ang daan papunta roon kaya kailangan ko pa siyang lakarin.
Friday ngayon pero hindi na 'ko pumasok sa school dahil bumyahe agad ako kaninang madaling araw para makarating dito sa probinsiya namin. Hindi ko alam kung bakit ginusto kong umuwi bigla. Basta naramdaman ko lang 'to nang magpakita sa'kin kagabi si tatay.
Gusto nga sanang sumama ni Brooks pero pinigilan ko siya. Alam kong marami siyang tatapusin na readings niya. Ayoko naman na makaistorbo ako sa kaniya dahil lang sa gusto kong umuwi sa'min.
Huminga lang ulit ako ng malalim nang huminto na 'ko sa tapat ng pintuan namin. Kumatok ako sa may pinto kahit bukas naman na ito bago ako dahan-dahan na pumasok. Nung una ay wala akong makitang tao sa loob pero maya-maya ay nakita ko si ate na lumabas galing sa banyo.
"Oh, buti naisipan mong umuwi," aniya bago masayang sumilip sa likod ko.
Pero nang makita niyang wala akong ibang kasama ay bumusangot ang mukha nito bago naglakad papunta sa tv para buksan 'yon.
"Bakit hindi mo kasama kababata mo?" tanong niya.
Ngumiti ako nang bahagya. “May gagawin pa kasi si Brooks, ate, kaya hindi na siya nakasama," paliwanag ko rito.
May kung ano-ano pa siyang sinabi sa'kin na sinadya ko raw na hindi isama si Brooks para hindi raw sila mapalapit sa isa't-isa. Napapabuntong hininga na lang ako dahil do'n.
Kababata ko si Brooks pero hindi niya kababata si ate. Long story short, sa ibang lugar kami nagkakilala ni Brooks.
Nilapag ko muna ang bag ko sa lamesa. Maliit lang 'tong bahay, kaunting lakad ay mapupunta mo na ang bawat sulok nito. May itaas kami at tatlong kwarto pero ang kwarto ko ang pinaka maliit dahil isang hakbang lang pagpasok mo roon ay kama na agad ang bungad sa'yo.
"Nasan si nanay, ate?" tanong ko nang makababa ako mula sa taas.
"Aba, siyempre naghahanap ng makakain dahil ang isa diyan ay hindi man lang nagbibigay ng pera," pagpaparinig nito.
Bumuntong hininga ako dahil do'n. "Ubos na ba agad ang binigay ko sa inyo ngayong linggo?" takhang tanong ko.
"Anong tingin mo sa'min? Hindi kumakain? Malamang mauubos agad 'yon, bobo ang tangina."
Yumuko na lang ako at humingi ng tawad bago lumapit sa bag ko. Kinuha ko sa bulsa no'n ang natitira kong pera. Ito sana ang ipanggagastos ko sa mga gagawin kong plates pero mas ayos nang ako ang mawalan ng pera kaysa sa pamilya ko.
Umupo muna ako rito sa may kusina habang hinihintay si nanay. Hindi na kami nagkibuan ni ate simula noon. Nanonood lang siya ng tv ngayon habang nagce-cellphone. Napapabuntong hininga na lang ako dahil do'n dahil sayang sa kuryente ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...