P A U M I
Napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Nakatingin pa rin ito ng seryoso sa'kin pero maya-maya ay kumunot ang noo nito nang makitang ngumiti ako. Tinapik ko ang balikat niya bago siya tingnan sa mga mata.
“Tama ka, kailangan na ng laman ng tiyan ko,” tumatangong sambit ko.
Bigla naman nanlaki ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko sahil do'n lalo na nang biglang pagpawisan si Karl. Pati ang adams apple nito ay tumaas-baba na nagpapahiwatig na nilulunok niya ang sariling laway.
“Umayos ka nga,” aniya bago tumayo at umayos ng pagkakaupo.
Nanatili lang ako sa pwesto ko habang iniisip kung ano ang sinabi niya. Umayos daw ako? Anong ibig sabihin niya do'n---Ah! Umayos ng upo. Ano ba 'yan, Paumi. Ang bobo mo talaga.
Ngumiti naman ako sa kaniya nang ibaling niya ang tingin sa'kin. Umiwas lang din naman siya agad ng tingin kaya ngumuso ako bago bumangon mula sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa tabi niya.
Pero agad na kumunot ang noo ko ng umusog siya nang bahagya papalayo sa'kin. Tumingin ako sa kaniya. Pero kahit anong gawin kong pagsilip sa mukha niya ay umiiwas lang siya ng tingin hanggang sa kinuha na niya sa lapag ang makeup remover bago sinimulan tanggalin ang makeup niya sa mukha.
Hinintay ko lang siyang matapos at sa buong minutong pagtanggal ng makeup niya ay nakatitig lang ako sa kaniya. Tumingin naman ito saglit sa gawi ko pero agad din iniwas ang tingin.
“Ano na?” tanong ko.
Pumikit naman ito ng mariin bago huminga ng malalim. Pero nagitla ako sa pwesto ko nang bigla siyang tumingin ng matalim sa'kin. Nalunok ko ang sarili kong laway dahil do'n lalo na nang palapit na siya nang palapit sa'kin.
“A-Anong gagawin mo,” kinakabahan na sambit ko.
Pero imbes na sagutin ay nakatingin lang siya sa mga mata ko, binabasa ang mga ito na parang iniintindi niya ang mga emosyon doon. Kahit ako ay walang maintindihan sa ginagawa niya. Sabi niya kasi kanina ay umayos ng upo tapos ngayon umaabante nanaman siya sa'kin.
“Sinabi ko na sa'yo, 'di ba, na 'wag mo 'kong aakitin,” bulong na aniya.
“H-Hindi naman kita inaakit ah.”
He glared at me. “Then, ano 'yung sinasabi mo kanina about sa laman ng tiyan mo?” seryosong tanong nito.
Napaisip pa muna ako saglit sa tanong niya bago naalala ang sinabi ko kanina. Umatras lang ako nang kaunti nang sumobra na ang lapit niya sa'kin. Personal space, please.
“S-Sabi ko kanina kailangan na ng laman ng tiyan ko,” kinakabahan na bigkas ko.
“Are you sure?”
His voice turn into a husky one na nakapagpataas ng balahibo ko. Umatras lang ulit ako hanggang sa maramdaman ko na ang armrest ng sofa sa likod ko. Napalunok ulit ako sa sarili kong laway nang bumaba ang tingin niya mula sa mata ko papunta sa labi ko.
“O-Oo naman,” I took a deep breath. “K-Kanina pa kasi ako nagugutom,” sambit ko.
Nakita ko naman ang ilang beses na pagkurap niya dahil sa sinabi ko. Bago yumuko at umayos na ng pagkakaupo. Pero hindi niya maiiwas sa'kin ang pamumula ng mukha niya. Tinakpan niya ito gamit ang dalawang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...