Chapter 19

105 22 1
                                    

P A U M I

"Tangina, bakit sobra ang kilig ko sa'yo. Ang unfair ah," aniya habang tinatakpan ang mukha nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko para mag pigil ng tawa. Ang cute niyang tingnan. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya ngayon kahit na tinatakpan na niya ito ng kamay.

Ganito pala siya kiligin. Namumula ang buong mukha.

Ilang segundo siya sa gano'ng posisyon hanggang sa pasadahanan ng kamay niya ang mukha niya. Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan ng diretso sa mga mata. Ngumiti ito sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Tiningnan ko 'yon. Ngumiti ako at walang pagdadalawang-isip na tinanggap 'yon. Mas lalong lumawak ang ngiti nito sa labi na parang any minute ay mangingisay na siya sa kilig. Napaka-showy niya talaga.

"Ngayon palang kinikilig na 'ko, ano pa kaya kung sinagot mo na 'ko," aniya na nakapagpakunot sa noo ko.

Teka, ano raw?

Kung sasagutin ko siya? Eh, hindi ba sinagot ko na siya kani-kanina lang. Hindi niya ba 'ko na-gets sa sinabi ko o sadyang mali lang ang term na ginamit ko? Nakakalito.

Sabi ko na talaga eh, dapat um-oo na lang ako o kaya nagsabi ng sinasagot na kita, Karl. Bakit kasi napili mo pang magsalita ng kung ano-ano, Paumi. Nagkamali tuloy siya ng interpretasyon.

Pa'no mo na sasabihin sa kaniya ngayon 'yan. Alangan naman i-correct mo siya. Sayang 'yung pagdadrama ko kanina ah. Damang-dama ko na eh tapos hindi niya na-gets o baka ako talaga ang may mali.

"Halika na? Pasok na tayo, Pom-poms ko," pag-aya nito habang dinuduyan pa ang kamay namin.

Ngumiti lang ako rito bago tumango. Kita ko ang saya sa mukha niya ngayon kahit hindi naman niya na-gets ang sinabi ko kanina.

Huminga ako ng malalim. Kung hindi niya na-gets, e 'di ipaparamdam ko na lang sa kaniya hanggang sa mag sink in sa utak niya na kami na.

Ito pala ang tinatawag na, in a relationship ka pero ikaw lang ang nakakaalam.

Now I know.

Dumiretso na agad kami sa school. As usual, pinagtitinginan na naman siya habang nasa jeep kami. Marami kaming estudyante na nakasabayan. Base sa suot nilang uniform ay mukhang high schooler palang sila.

Hindi ko alam kung bakit pero may side ang utak ko na gustong ipakita sa mismong harap nila na hawak ni Karl ang kamay ko ngayon. Nakakainis kasi 'yung titig nila eh.

Akala ko sa jeep lang mangyayari 'to pero laking gulat ko na lang nang pagtinginan din si Karl pagdating namin sa school. Aaminin kong kilala si Karl dahil parang halos lahat ata ng lalaki rito sa school ay kaibigan niya. Pero iba kasi 'yung ngayon.

Ngayon kasi ay alam kong pinagtitinginan nila si Karl dahil sa bagong itsura niya. At ayoko no'n lalo na kapag iniisip kong pinagnanasaan nila siya.

Bakit kasi ang lakas ng charisma ng isang 'to eh. Tapos mas lalo pa siyang nakakaagaw attention ngayon dahil sa itim niyang buhok.

Hawak pa rin niya ang kamay ko pero pinagtitinginan pa rin siya. Ano pa kaya kung siya lang mag-isa. Parang gusto ko tuloy siyang ihatid sa building nila. Pwede naman 'yon, hindi ba?

“Bakit humahaba na naman 'yang nguso mo?” natatawang tanong niya nang lumingon siya sa'kin.

Mas lalo lang humaba ang nguso ko dahil sa kaniya. “Nakakainis ka,” mahinang sambit ko.

“Bakit, anong ginawa ko?” medyo natatawa pa rin na aniya.

Pinasingkitan ko siya ng tingin habang naglalakad kami. “'Yang mukha mo kasi.”

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon