P A U M I
“Ba't ganiyan tono ng boses mo? Parang 'di ka masaya na makita ako ah,” he laughed.
Humiwalay ako mula sa pagkakayakap niya bago ngumiti. “Sinurprise mo kasi ako, hindi ko aakalain na ngayon ang uwi mo.”
Ngumiti siya sa akin sabay gulo sa buhok ko, his hobby to tease me. Pumasok muna kami sa loob ng elevator ng bumukas na ito. He push the button of my floor bago nilagay ang parehong kamay sa bulsa ng slacks niya.
That's when I noticed na naka office attire siya. Although, ang coat niya ay nasa braso na niya at ang necktie niya ay hindi na nakasuot sa kaniya.
“Kailan ka umuwi?” takhang tanong ko.
He glanced at me bago binalik ang tingin sa harap. “Kanina lang.”
“Dumiretso ka agad sa firm niyo!?” gulat na bulalas ko.
He chuckled because of my reaction. Tinaas niya ang kaliwang kamay niya at pinakita sa akin ang wristwatch niya, he tapped it twice. “Oras ang pinakamahalaga sa amin, Paumi.”
Tumango-tango ako habang ngumingiti. “Yes po, attorney Brooks Florence Villoso,” I shrugged. “Ang haba talaga ng pangalan mo.”
“Sino ba kasing nagsabi na tawagin mo 'ko sa buo kong pangalan,” he laughed.
Napangiti na lamang ulit ako. Kahit papa'no ay namiss ko rin kausap ng ganito si Brooks.
Pinatuloy ko siya sa condo ko habang nag-uusap kami tungkol sa maraming bagay. He's busy this past few months kaya siyempre curious ako kung ano'ng nangyari sa kaniya. He's busy to the point na halos hindi kami mag-usap.
“How's your company, by the way? Maayos naman ba ang trato sa iyo?” pag-iiba niya ng topic.
Kinuha ko muna ang pitsel sa ref at kumuha ng baso. He's just following me sa tuwing naglalakad ako, looking around na akala mo ay ngayon lang siya nakapunta sa condo.
“Uhm . . . yeah, of course. Mabait silang lahat, kaya lang nagresign na ako,” pag-amin ko sa kaniya.
Kinakabahan ako sa irereact niya. Ayoko sanang sabihin na nagresign na ako dahil halos no'ng isang araw ay sinabi kong may company outing kami, and then bigla ay nagresign na ako? Baka magduda siya. Pero ayoko nang madagdagan ang kasinungalingan ko.
I expect him to ask me several questions, pero ang tangi lamamg niyang ginawa ay tumango.
Okay . . . what just happened?
Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa ref. Binuksan niya ito at tumango-tango ng marahan. “Mukhang sumisipag ka nang mag grocery ngayon ah, puno ang ref mo,” he chuckled.
Umiwas ako ng tingin at nagsalin ng tubig sa baso. Ininom ko iyon ng isang lagok, nervous dahil lahat ng laman ng ref ko ay si Karl ang bumili.
Whenever he will buy groceries for his condo ay sinasama niya ako, hindi para tulungan siya kung hindi para bilhan ako ng mga kailangan ko rito.
Kahit tumanggi akong sumama ay pupunta siya rito sa condo para dalhin ang mga pinamili niya.
I know . . . I'm spoiled.
Sinara na niya ang ref at tumingin-tingin ulit sa paligid habang lumalapit sa gawi ko. I moved a little nang tumabi sa akin si Brooks para maglagay ng tubig sa baso.
“May sasabihin ka ba sa akin, Paumi?” seryosong saad niya.
I gulped as he glanced at me. “A-Ano naman ang sasabihin ko?”
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Genç Kurgu[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...