Chapter 26

103 17 1
                                    

P A U M I

“Mukhang masaya ka ngayon ah,” bungad ni Karl pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo.

Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakaharap sa'kin ang mukha niya. Halata sa mukha nitong inaantok na siya. Pero ang cute niya pa rin tingnan. Lalo na't nakabagsak ang itim nitong buhok. Ngumiti ako nang tapikin niya ang space sa tabi niya.

Lumapit ako rito at uupo na sana sa tabi niya nang hawakan nito ang pulso ko. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero nagulat na lang ako nang paupuin niya ako sa isang hita niya. Bale nakapagitna na ako sa hita nito, ang isa ay inuupuan ko habang ang isa ay nasa tapat ko.

Nalunok ko ang laway ko nang bigla siyang ngumiti sa'kin. “Kamusta pala ang pag-uusap niyo ni Brooks?”

Tanong nito sabay kuha ng towel na hawak ko at sinimulang punasan ang buhok ko. Nakatingin lang ako rito habang pinapatuyo niya ang buhok ko. Busy ang paningin nito sa ginagawa kaya hindi niya napapansin ang pagtitig ko sa kaniya.

I smiled. “Ayos lang, akala ko mag-aaway kami ni Brooks pero laking pasasalamat ko at hindi,” pagkuwento ko sa kaniya.

“Kaya ka ba masaya ngayon?” tanong nito bago tumingin sa'kin.

Tumango ako sa kaniya na ikinangiti niya. “Mabuti naman at masaya ka. Dahil kung masaya ka, mas masaya ako” aniya.

Napangiti ako dahil sa sinambit nito. Sincere siya sa sinabi niya. Walang halong pagseselos ang tono ng pananalita niya. Naiintindihan niya 'ko at may tiwala siya sa'kin. Gano'n din ako sa kaniya. Mas magtitiwala ako sa kaniya dahil alam kong hindi niya 'ko lolokohin.

Si Karl ang lalaking sobra-sobra kung magbigay ng pagmamahal. Hindi lang niya sinasabi kung hindi pinaparamdam din niya sa'kin 'yon.

“Karl,” pagtawag ko rito.

Hininto muna niya ang pagpunas sa buhok ko at sinampay ang towel sa sofa. Tumingin ito sa'kin sabay ng pagpulupot ng braso nito sa bewang ko.

“Bakit?” he asked.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at ngumiti. “Do'n kana lang sa kuwarto matulog.”

Huminga siya ng malalim bago nakangiting umiiling na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Binasa nito ang ibabang labi gamit ang dila sabay sandal sa balikat ko.

“Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko, Paumi,” mahinang bulong niya.

Kung hindi niya siguro binigkas ang pangalan ko ay baka napagkamalan kong kinakausap niya ang sarili niya. Pero ano raw? Anong pinagdaraanan? May nangyari ba kay Karl nang hindi ko alam?

Napakawalang kuwenta ko namang girlfriend kung gano'n. Paumi naman kasi, kung ano-ano kasi ang pinagkakaabalahan mo na kahit magkasama na kayo sa iisang bubong ay hindi mo pa rin alam ang problema niya.

Kainis ka, Paumi.

“May problema ka ba, Karl?” bulalas ko sabay hawak sa mukha niya at hinarap ko sa'kin. “May nangyari ba? May nang-away ba sa'yo . . . p-pinabugbog ka ba ulit ni tito Dreb?” mediyo kinakabahan na sambit ko.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay bigla na lang itong humalakhak sa tawa. Kumunot ang noo ko dahil do'n. Anong nakakatawa, nagtatanong lang naman ako kung may problema siya eh.

Ilang segundo rin siyang tumawa lang nang tumawa. Noong una ay nakakunot ang noo ko pero habang tumatagal ay napapasabay na rin ako sa tawa niya.

Ang sarap pakinggan ng tawa nito. Sana lagi na lang kaming ganito. Masaya habang kapiling ang isa't-isa.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon