Chapter 23

117 18 3
                                    

P A U M I

“A-Anong sabi mo?” nakangiting aniya.

Tumikhim ako bago umiwas ng tingin. Inalis ko na rin ang kamay niya sa mukha ko sabay layo sa kaniya ng bahagya. Nahihiya ako, hindi dahil sa sinabi ko kung hindi sa pamumula ng mukha ko. Sumilip ako saglit kay Karl at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa'kin.

“U-Uwi na tayo.” 'Yan lang ang tangi kong nasabi habang nakaiwas pa rin ng tingin.

Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. “Uuwi tayo ng ganiyan ang suot mo?”

Tiningnan ko naman ang suot ko. Anong mali rito? Nabasa lang naman siya ng tubig eh, matutuyo na rin naman 'yan mamaya. Kaysa naman sa bumili pa kami ng damit dito sa loob. Sayang lang sa pera.

Naramdaman ko ang kamay nito. Hinila niya ako malapit sa may railings ng mall. Nagtatakha ako sa ginawa niya lalo na nang ipasuot niya sa'kin ang sumbrero na nakasabit sa pantalon nito. Binaba pa niya ng husto ang cap, kulang na nga lang ay wala nang maaninag ang mga mata ko eh.

Hinawakan ko ang sumbrero at iaangat sana 'yon ng pigilan niya 'ko.

“Suotin mo lang 'yan,” aniya.

Tiningala ko ang mukha ko para matanaw ko siya mula sa sumbrero na suot ko. “Bakit?”

Ngumiti ito sa'kin bago niyuko ang ulo ko. “Just stay there. Hintayin mo 'ko at 'wag mong tatanggalin 'yang sumbrero habang wala ako.”

Naguguluhan man sa sinabi niya pero ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya.

Binitawan na niya ang ulo ko. Nung una ay dahan-dahan lang siyang lumayo sa'kin habang nakaharap sa direction ko hanggang sa tumakbo na siya sa kung saan. Mediyo nag iba ang timpla ko nang makitang papunta siya sa restaurant na pinaglabasan namin kanina.

Right, siyempre magpapaalam siya kila Aria. Bakit nawala sa isip ko 'yon.

Himinga na lang ako ng malalim bago humarap sa railings. Pinatong ko ang braso ko do'n habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa baba. Ang liliit nila. Ano kayang itsura ko kung ako ang nasa baba habang may nakatanaw sa'kin dito sa taas. Mukha siguro akong langgam.

“Sinong sinisilip mo?” he whispered.

Nilingon ko ito agad. Tiningnan ko ang likod niya pero walang Leo and Aria. Itatanong ko palang sana kung nasaan sila nang magsalita na si Karl.

“'Di ko sila kasama,” aniya habang tinatanggal ang sumbrero sa ulo ko. “Here, magpalit ka muna.”

Tiningnan ko ang inaabot niyang paper bag. Ito ang paper bag na bitbit niya simula pa kanina. “Bakit binibigay mo sa'kin 'yan?” takhang tanong ko.

Kumunot ang noo nito. “Kasi para sa'yo 'to?”

I tilit my head. “Hindi ba kay Aria 'yan, pinabuhat sa'yo?”

Ilang beses kumurap si Karl sa harap ko. Kahit ako ay nakatingin lang sa kaniya. Pero maya-maya ay nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. Ano na naman kaya ang ikinakangiti niya.

“Sa tingin mo bubuhatin ko ang mga pinamili niya habang may bitbit ka?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong meron sa dala ko, ang gaan-gaan lang naman nito eh. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sagutin siya pero hindi ko na naman natuloy nang unahan ako ni Karl.

“Binili ko 'yan para sa'yo, binuhat ko para sa'yo, at ngayon ay surprise ko para sa'yo. Para sa'yo lang ang nasa isip ko, wala nang iba.”

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaibang feeling dahil sa sinabi ni Karl. Tinanggap ko na lang ang inaabot niyang paper bag. May iba pa siyang hawak na paper bags pero itong isa lang daw muna.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon