Chapter 31

157 17 3
                                    

P A U M I

“Nakahanap ka na?”

Dinilat ko ang mga mata ko bago umupo mula sa pagkakahiga rito sa sofa. I'm tired. Umiling lang ako sa tanong sa akin ni Kiana, kaibigan ko.

Pagkatapos kong maghanap ng trabaho ay dumiretso agad ako sa bahay niya. Makikitanghalian lang since malapit lang naman ang pinag-apply-an ko rito. Then, lalabas ulit para maghanap ng trabaho. Ngayon ko lang nalaman na ang hirap na palang maghanap ngayon. Pahirapan lalo na't marami na ulit ang graduates.

“Bakit kasi maghahanap ka pa ng work? Gusto mo na atang lumangoy sa pera eh,” mediyo natatawang aniya.

Nagpasalamat muna ako sa nilapag niyang inumin at biscuits. Ito raw muna ang kainin ko habang nagluluto siya ng ulam. “Ayokong matengga sa bahay, ang boring kaya kapag walang ginagawa.”

“E 'di magpinta kana lang habang naghihintay ng panibagong kontrata,” sigaw niya mula sa kusina.

“Hobby ko lang naman 'yon, iba pa rin kung may trabaho ako kahit panandalian lang.”

Katatapos lang ng kontrata ko sa isang publishing house. Tapos na rin ang animation na ginagawa namin. Halos sabay-sabay ko silang natapos kaya ngayon, nakatengga ako sa bahay habang naghihintay ng panibagong kontrata. Kung minsan ay nagpipinta ako. Naibebenta ko naman 'yon pero iba talaga ang hobby sa trabaho kaya nabobored pa rin ako sa bahay.

After kong grumaduate ay may kumuha sa akin na company. Nakatagal ako ng dalawang taon doon. Pero umalis din ako para gawin ang gusto ko, ang magpinta at gumawa ng animations.

At ngayong natupad ko na siya ay sobrang saya ko. 'Yon nga lang, nabobored ako kapag nangyayari sa akin 'to.

“Alam ko naghahanap ng assistant 'yung malapit na perfume shop dito,” lumingon agad ako sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang ginagawang paghihiwa. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki sa kaniya. “Saang perfume shop 'yon?”

She smiled genuinely sabay sabi ng, “secret.”

“Kia!”

She laughed bago kinuha ang kutsilyo sa kamay ko. “Sasabihin ko mamaya, sa ngayon ay tulungan mo muna ako magluto.”

Gaya ng sinabi niya ay tinulungan ko nga talaga siyang magluto. Tinanggal ko ang blazer ko para hindi 'yon madumihan. I'm wearing a fitted slacks kaya maayos naman ang paggalaw ko. Though, minsan ay naiinitan ako.

Ilang minuto kami nagluto ni Kia since kanina pa siya nagluluto noong dumating ako. Kumain na kami at nagkuwentuhan ng kung ano-ano. Sinabi naman niya agad sa 'kin kung saang perfume shop ang hiring for assistant. Tinulungan ko lang ulit siyang maghugas bago ako nagpaalam ng tuluyan sa kaniya.

“Hazeirol perfume,” napahinto ako bago tiningnan ang perfume shop sa harap ko. “Ang weird naman ng name.”

Sigurado naman akong ito na ang shop na tinutukoy ni Kia. Base na rin sa hiring na nakalagay sa window glass ng shop. Kilala ko ang perfume na 'to pero never ko pang naamoy or nabili. And I never expected na dito pala ang main branch niya.

Huminga na ako ng malalim. Tiningnan ko rin saglit ang reflection ko sa isang kotse na nakaparada sa tapat bago pumasok ng tuluyan sa shop.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon