P A U M I
“Mugtong-mugto na 'yang mata mo,” she smiled a little.
Ngumiti ako ng bahagya dahil sa sinambit ni Kia. She's here at my condo pagkatapos kong hindi sagutin ang mga tawag niya. Of course, hindi ko maitatago ang nangyari sa kaniya gayong naabutan niya akong umiiyak kanina.
“Kumain kana, mukhang kagabi pa walang laman 'yang tiyan mo,” sermon niya habang naghahain sa harap ko.
I smiled while staring at her sitting right infront of me. Nagluto siya sa akin pagkatapos kong magkuwento sa kaniya kanina. She even nagged at me while cooking dahil alam niyang hindi ako kumain kahit hindi ko sabihin sa kaniya.
“So, what's your plan now?” she asked.
Nagkibit-balikat ko bago matamlay na sumubo. “Hindi ko alam,” I stopped as I took a deep breath. “Parang gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.”
She nodded at me as if she understands what I'm feeling right now. Saglit kaming natahimik kaya natuon ang attention ko sa pagkain. But I'm still thinking about him.
About what happened to him, to us. On how hurt he is.
“Do you still remember the resort na sinabi ko sa 'yo rati?” biglang tanong niya.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya, thinking kung anong resort ang tinutukoy niya. She noticed my brows being furrowed kaya tumawa siya ng bahagya.
“The one that my cousin's managing,” pagpapaalala niya sa akin.
Napa-ah naman ako at ngumiti sa kaniya habang tumatango. “Yeah, I remembered. Iyong bagong bukas?” paninigurado ko.
She nodded to answer my question. “Yeah, he's inviting me over, but I'm too busy. So, I'm wondering . . . since gusto mo rin naman magpahinga, why don't you go there instead?”
That's too far from here. I mean, not that too far dahil nasa Luzon pa rin naman. But I'm not use to going out of Manila dahil sa mga contracts ko.
Should I take her offer? Maybe ito na ang panahon para naman makalimot ako kahit papa'no . . . Just for days or maybe weeks.
Gusto ko lang talaga makalanghap ng sariwang hangin.
“Should I? Baka naman magmukha akong loner,” I joked.
She smiled at me, not genuine one though. “Gusto sana kitang samahan, but I just have a lot of projects. Sorry, Paumi.”
Ngumiti ako sa pagiging concern niya sa akin. I reached for her hand na nakapatong sa lamesa at hinawakan iyon. “Ano ka ba, it's fine, I'm fine. Malaki na ako, I can handle myself,” I reassured.
She took a deep breath bago uminom ng tubig. Hindi gano'n ka-kumbinsido sa sinabi ko. “I'll talk to my cousin, ire-request ko to accompany you.”
“Huwag na, Kia!” biglang bulalas ko. “Baka makaabala pa 'ko sa cousin mo.”
She shook her head. “Hindi 'yon busy, trust me. Para naman hindi ka mag-isa do'n and malay mo . . .” she stopped sabay taas-baba ng kilay niya. “Doon mo na makita ang para sa 'yo,” she teased.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...