Chapter 35

127 20 2
                                    

P A U M I

“Oh, Paumi,” he stopped bago ako tingnan mula ulo hanggang paa. “Anong nangyari sa damit mo?”

I shook my head at ngumiti kay Reymon. Tumingin siya sa office ni Karl . . . I should call him architect, tama para mawala na 'tong pesteng nararamdaman ko para sa kaniya. I should be formal to him kahit sa isip lang.

I heard him took a deep breath. He reached for my wrist. Nung una ay iiwas sana ako pero hindi ko nagawa. Ang hapdi pa rin kasi hanggang ngayon ng paso sa kamay ko.

Kakakulo lang ng tubig na nilagay ko sa kape na tinimpla ko kay Karl kanina. Kaya ganito siya kahapbi.

Dahan-dahan niya akong hinila papunta sa office pantry. Nilagay niya ang kamay ko sa lababo. Binuksan niya ang gripo at agad na pinatamaan ang kamay ko ng tubig.

Mahapdi.

“I assume na natapunan ka ng kape,” aniya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Pinanatili niyang nababasa ang kamay ko galing sa tumatakbong tubig. I can't help myself but to look at his face. He really has the same features as Karl. Iyon nga lang ay iba ang skin tone nila.

And he has a black curly hair na bumagay sa messy style nito.

I bit my lips when our eyes met. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang init sa gilid ng mata ko. He panicked when my tears rolled down from my eyes.

“A-Anong nangyari sa iyo?”

I shook my head at hinayaan ang sarili kong umiyak. Just this time, gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. For all those years, pinatatag ko ang sarili ko dahil ayokong umiyak kapag nagkita kami. But I think, hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na naramdaman ang tubig sa kamay ko. He wiped my hands using his handkerchief.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Nakakainis ka naman kasi, Paumi. Ang sabi mo sa sarili mo ay gusto mo lang siyang makita. Gusto mo lang siyang makamusta. Pero bakit nasasaktan ka ngayon.

Simula nung una ay alam mo nang may iba siya. May umaangkin na sa puso niya at alam kong hindi ako iyon.

Pero bakit ako nasasaktan ngayong nakita ko silang magkasama.

Siguro dahil simula noong kami palang ay alam kong may pag-asa silang dalawa. May chance na maging sila dahil sa tagal ng pagsasama nila. Na posible silang mahulog sa isa't-isa . . .

. . . at gano'n nga ang nangyari.

Mas lalo akong napahagulgol nang makaramdam ako ng bisig na sumakop sa akin. He slowly tapped my back as I felt his chest.

“Masakit ba?” he asked.

Hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya. But I still nodded at him.

“Sobra . . .” I sobbed.

Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. “Gusto mo bang gamutin natin?”

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon