P A U M I
"Baka matunaw na 'ko, mahal."
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang magsalita. Agad akong umiwas ng tingin nang idilat na nito ng tuluyan ang mata niya. Hindi ko naman sinasadiyang titigan siya ng matagal. Namiss ko lang talaga ang itsura niya.
Nasa kotse na niya kami ngayon. Kanina ko lang din nalaman na dala niya pala ang kotse ng tatay niya. Ginagamit niya muna since mediyo malayo ang bahay nila sa work place niya.
Dapat kakain kami sa labas dahil pareho kaming wala pang kain. Pero nang makita kong inaantok siya ay sinabi kong magpahinga na muna ito kahit saglit lang. 'Yon nga ang ginawa niya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong pag masdan siya habang tulog.
Pero hindi ko naman talaga inaasahan na gising pa pala siya.
Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko siyang tumawa. Ginilid nito ang katawan sa gawi ko. Hinilig ko lang ang ulo ko nang tumagal na ang titig niya sa'kin na parang kinakabisado ang bawat detalye sa mukha ko. Mediyo naiilang na 'ko dahil sa tingin niya pero hindi ko inalis ang mata ko sa kaniya.
Mas gusto kong pagmasdan siya, pagmasdan ang pagbabago ng expression sa mukha niya. Gustong-gusto kong makita ang iba't-ibang timpla ng itsura niya.
"Matulog ka pa," mahinang sambit ko.
Pero imbes na sundin ang utos ko ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Simula nung umidlip siya, hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Hindi niya binitawan kahit isang segundo lang. Kahit na pinagpapawisan na ang kamay ko at gusto kong mag let go ay hindi niya pa rin ako binitawan.
"Hindi ka pupunta bukas?" biglang tanong nito.
Gaya ng sagot ko kay Brooks ay umiling ako sa kaniya. Ngumiti lang siya bago tumango ng marahan. "Mabuti naman," mahinang aniya.
Kumunot ang noo ko. "Anong mabuti naman?" nagtataka kong tanong.
He smiled bago mas hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko. He shook his head sabay halik sa likod ng palad ko. "Nothing, ayoko lang na makita mo 'ko bukas. Mas mabuti nang hindi mo 'ko puntahan bukas."
Dahil sa sinabi niya ay parang gusto ko na tuloy pumunta bukas. Gusto kong samahan siya, damayan siya. Pero si Brooks naman ang iisipin ko kapag sa panig nila Karl ako sumama. Kaya nga hindi na lang ako pumupunta dahil ayokong mamili ng kakampihan dahil una sa lahat ay wala akong pinapanigan sa kanila.
"Gusto mo bang umuwi sa condo mo bukas?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. "Puwede kitang paglutuan pagkauwi mo."
Ngumiti siya. "Gusto ko 'yan. Salamat, mahal . . . salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa'kin."
Hindi ko alam ang sasabihin kaya ngumiti lang ako pabalik. Sana nga talaga ay maging ayos lang si Karl bukas. Dahil hindi ko siya kayang tingnan ng umiiyak nang wala man lang akong nagagawa.
Nag stay pa kami ng ilang minuto sa loob ng kotse bago niya napagdesisyunan na magmaneho na. Nag drive lang siya sa pinakamalapit na fast-food chain. 24 hours naman siyang bukas kaya doon na kami kumain ni Karl.
Ang saya namin habang kumakain. Parang wala kaming dinadala na problema. Tumatawa kami pareho habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay na nangyari sa'min this past few days. Nalaman ko rin na kahit may problema siya ay hindi niya 'yon dinadala sa work niya. Ayon daw kasi ang gusto ni tita Carla, ang hindi masira ang pangarap ni Karl.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...