P A U M I
"Ang gwapo naman niyan, sino 'yan?"
Lumingon ako sa ka-room mate ko bago ngumti sa kaniya. "Taga-school namin," sambit ko bago humarap sa kaniya. "Ang gwapo, 'no?"
"True. Sa drawing mo palang gwapo na, how much more sa personal," nanamanghang bigkas niya.
Umupo na siya sa higaan niya habang pinapatuyo ang buhok kaya humarap na ulit ako sa desk ko at pinagpatuloy ang pagiisketch kay Karl. It's already midnight kaya nag-aayos na ng sarili si ate Lhiz. She's a call center agent at tuwing ganitong oras ang shift niya.
Kami ang magka-room mate simula nung nag boarding house ako. Mabait kasi ang may ari kaya nakatagal kami rito. Makalumang bahay 'to na maraming kwarto at pagpasok mo palang sa loob ay dining area agad ang sasalubong sa 'yo. Do'n kami sabay-sabay na kumakain.
Minsan magaambag-ambag na lang kami sa pagkain o kaya minsan ay nilulutuan kami ng may ari ng bahay. Mabait talaga siya kaya lang medyo strict lalo na pagdating sa mga lalaking papasok dito sa bahay dahil puro kami babae rito sa loob.
"Mauuna na 'ko, Paumi. Matulog kana ha? 'wag ng mag puyat," paalam sa'kin ni ate Lhiz.
Tumango ako sa kaniya at hinintay na makalabas siya ng kwarto bago ulit pinagmasdan ang skecth ko kay Karl. Pero habang tinitingnan ay bumabalik sa memorya ko ang lahat ng nalaman ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa tuwing sinasabi nila na nahuhuli raw nila siyang umiiyak kapag mag-isa.
It really bothers me hindi dahil sa nacu-curious ako kung ano ang nangyari kung hindi dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya dati.
Ngingiti kahit ang bigat na ng dinadalang problema. And I hate it when I see someone lika that.
Bumuntong hininga ako bago nilagay ang sketchpad ko sa pink kong bagpack. I really like color pink pero dahil mahirap lang naman ako ay minsan ko lang mabilhan ang sarili ko na gamit na kulay pink kahit na sabihin na pinaghirapan ko naman ang sahod ko.
Para sa akin, mas mahalaga ang pag-aaral ng nakababata kong kapatid kaysa sa gusto ko.
Humiga na 'ko sa higaan ko which is sa taas ng double deck. Itong kama talaga ang pinaka gusto ko dahil puro pink ang pillow case at bed sheet ko.
Binigay 'to sa akin ng mga kasamahan ko rito nung birthday ko kaya sobrang saya ko talaga no'n.
Kinuha ko ang phone ko para i-set ang alarm. Papatayin ko na sana 'to nang maisipan kong i-stalk ulit si Karl sa social media niya.
Ang dami niya agad na bagong post samantalang kaka-stalk ko lang sa kaniya kahapon.
I'm just scrolling and scrolling on his timeline nang may mapukaw ang attention ko. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil do'n.
Karl Sue || 10 hours ago
I miss her, please come back.
Dahil sa sobrang curiousity ay nagscroll pa 'ko sa comment section. Pero kahit sila ay nagtatanong kung sino raw 'yon hanggang sa makuha ng attention ko ang isang comment na nireplyan ni Karl.
Yzah Medez
Babalik siya, 'wag kang mag-alalaKarl Sue
HopingAria Chisisi
Mga gago, babalik 'yonHindi ko alam kung sino ang pinag uusapan nila pero atleast may pinaglalabasan pala siya ng problema. Kusa na lang sumilay ang isang ngiti sa labi ko bago pinatay ang phone at natulog ng may ngiti sa labi.

BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...