P A U M I
“Na-tide ka, 'no?” medyo natatawang sambit niya.
Nalunok ko ang sarili kong laway bago kumurap ng ilang beses. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko. Hindi naman siguro ako namamalikmata, hindi ba? Pero bakit siya nandito.
At pa'no niya agad nalaman na ako ang darating.
“H-Huh?” tugon ko sa sinambit niya.
“Huh?” panggagaya nito sa'kin.
Tinikom ko ang bibig ko nang tiningnan na naman nito ang suot kong damit. Naiilang ako sa mga titig niya kaya umiwas na lang ako ng tingin. Pinasingkitan ako nito ng mga mata bago inis na bumalik sa pagkakasandal sa upuan.
Nagpahalukipkip ito sa harap ko. “Ang daya,” rinig kong aniya.
“Anong madaya?” takhang tanong ko.
Ngumuso ito bago umirap sa'kin. “Kapag ako ang kinikita mo laging suot mo ay pambahay tapos ngayon na alam mong iba ang kikitain mo, nakaayos ka ngayon. Ang daya. Ang unfair. Dapat ganyan ka rin magbihis pag nagkikita tayo.”
Dire-diretso na bigkas nito. Hindi ko alam kung bakit pero kusang kumurba ang ngiti sa labi ko dahil doon. Hindi ko inaasahan na may ganito palang ugali si Karl. Tampuhin.
Oo, si Karl. Kahit ako ay hindi makapaniwala na siya ang nasa harap ko ngayon. Ni-hindi ko man lang napansin na siya si Bernard, samantala siya ay alam niyang ako ang kikitain niya. Na-curious tuloy ako kung kailan niya nalaman na ako 'to. I mean . . .
T-Teka
Kung alam niyang ako 'to,
Alam din ba niyang siya 'yung ginawa kong character sa upcoming na romance story na gagawin namin? Pero bakit wala naman akong naririnig sa kaniya tungkol do'n.
“Hoy, Paumi, nakikinig ka ba?”
Bumalik ako sa wisyo nang pinitik ni Karl ang daliri niya sa harapan ko. Tumingin ako rito ng diretso bago siya pinasingkitan ng mga mata.
“Kailan mo pa nalaman na ako ang co-creator mo?” tanong ko agad dito.
“Iniiba mo lang ang usapan eh,” nagtatampo pa rin na sambit nito.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagsilay ng ngiti mula rito. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na nang umirap na naman siya sa harap ko.
“PM, Pauline Micah. Do'n palang nagduda na 'ko. Pero napatunayan kong ikaw 'yan nang makita ko ang desk mo sa boarding house na tinutuluyan mo.”
Huminto siya sa pagsasalita. Nanatili lang ang tingin nito sa'kin. Nagtakha ako dahil do'n at magtatanong na sana nang biglang may sumilay na ngiti sa labi niya.
“Nakita ko lahat ng sketches mo do'n sa lalaking protagonist. Sobrang ganda . . . kung sino man ang pinagkuhanan mo ng idea sa lalaking 'yon, sigurado akong may itsura talaga.”
Mas lalong lumaki ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang magkwento. Halata sa mga mata niya na nagustuhan niya talaga ang mga nakita niya noon sa boarding house na tinutuluyan ko. Sumasaya ako kapag nakikita kong nagniningning ang mga mata niya sa tuwing nag-uusap kami tungkol sa mga likhang sining.
Gusto niya siguro talaga ang mag drawing.
“Ikaw . . .” biglang sambit ko.
Parehong tumaas ang kilay nito. Nagtatanong kung ano ang sinabi ko. “Anong ako?”
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...