Chapter 43

144 18 2
                                    

P A U M I

“Goodnight,” she yawned as she lay down beside me.

Nakahiga na kami ngayon sa kama ni Aria. Niligpit na muna namin ang pinagkainan namin kanina bago kami humiga rito. Siya ang katabi ko dahil hindi na magigising sina Lia at Yzah na tulog na tulog na sa kabilang kama.

It's been several minutes since I lay down, pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

Iniisip ang bawat sinabi sa akin ni Aria. Ano kayang meron sa condo unit ni Karl? At anong connect noon sa akin?

Slowly, I get up to bed. Iniiwasang makalikha ng ingay. Tanging dim light na lamang ang bukas pero kahit ganoon ay kita ko pa rin naman ang dinaraanan ko.

When I'm sure na tulog na silang tatlo ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto, ang pintong kumukunekta sa kuwarto ni Karl.

I was about to knock on the door kaya lang naisip ko na baka tulog na siya.

I just bit my lower lip habang dahan-dahan na tinatanggal sa lock ang pinto. I look over my shoulder to check if nagising ba ang tatlo. Luckily, hindi naman.

Marahan kong binuksan ang pinto at inuwang lamang ito ng kaunti, sapat para magkasiya ang katawan ko. I'm still looking at the three girls while entering Karl's room.

Sinara ko ng walang katunog-tunog ang pinto pero agad akong napatalon sa gulat nang may biglang magsalita.

“Bakit ka pa gising?”

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. And there I saw Karl, sitting in a single sofa while his laptop is on his lap.

Nalunok ko ang sarili kong laway habang naghahanap ng tamang isasagot sa kaniya. I heard him laughed na nakapagpanguso sa labi ko.

Tinabi niya ang laptop sa may table and tapped his lap to gesture na lumapit ako sa kaniya. Nahihiya man ay lumapit pa rin ako sa kaniya.

He reached for my hand at marahan akong hinila paupo sa isang binti niya. Napasinghap ako nang maramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko.

He chuckled when he saw my reaction. “May kailangan ka ba, mahal?” malambing na aniya.

Nilunok ko ang sarili kong laway nang magtama ang paningin namin. “Uh . . . w-wala naman . . .” I stopped. “I just can't sleep.”

He slowly nodded na parang naiintindihan niya ang sitwasyon ko. “Do you want anything? Perhaps a cup of milk?”

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nalulunok ang sarili kong laway dahil sa boses ni Karl. He's husky voice gives chill to my body. Para siyang nang-aakit o ako lang talaga ang naaakit sa kaniya?

He's slightly looking up at me dahil nakakandong nga ako sa kaniya kaya mediyo mas mataas ako ng bahagya.

I stared at his eyes, and just like before kitang-kita ko na ang lambot sa mga mata niya. Wala na ang nasaksihan ko nitong mga nakaraan na puro galit at lungkot.

If I can, I will never hurt him again. Ayoko nang makita ang ganoong Karl.

I'm just staring at his eyes nang biglang bumaba ang paningin ko sa ilong niya pababa sa labi niya. Nakatikom lamang iyon and there's a part of me na parang gusto ko iyon ibuka.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon