P A U M I
“Paumi . . .”
Hindi ko nilingon ang tumawag sa pangalan ko at dire-diretso lang na naglakad paalis. Hinubad ko ang heels ko at kahit nanlalabo na ang mga mata dahil sa luha ay nagawa ko pa rin makatawid ng maayos.
“Paumi, sandali.” I don't want to face him pero wala na akong nagawa nang higitin niya ang pulso ko.
I saw in his eyes how he pity me. Kitang-kita ko ang concern at awa sa mukha ni Reymon.
I smiled bitterly, buti pa siya ay sumunod sa akin.
He took a deep breath sabay hubad sa kulay abo niyang coat. I felt it to my shoulders at nasakop ang halos buong katawan ko dahil sa laki nito.
I'm still crying while looking around, looking for him. Pero walang Karl na sumipot. Mas lalong akong naiyak dahil do'n. I know what I saw. Alam kong nagtama ang paningin namin ni Karl noong oras na lumabas ako.
But he didn't follow me.
What do you expect, Paumi.
You're nothing, but just his mere secretary.
Tuloy-tuloy lamang ako sa pag-iyak sa harap ni Reymon. Wala na akong paki sa kung ano ang isipin niya sa akin o kung ano na ang itsura ko ngayon. Siguro ay sira na ang make up na pinaghirapan ni Kia sa akin.
I flinched when he reached my hand. He slowly guide me to come closer to him hanggang sa naramdaman ko ang mga bisig nitong pumulupot sa akin.
I cry even more on his chest. I'm just thankful na wala kami sa main road kaya kakaunti lamang ang mga sasakyan at taong dumaraan.
“You're always crying sa tuwing nakikita kita, even sa museum ay umiyak ka . . .” he stopped as he caress my hair. “At iisa lang ang dahilan . . . ang pinsan ko.”
He's right. I cried at the museum that time. I didn't know na sinundan niya pala ako. I just run that time, malayo sa maraming tao dahil hindi ko kayang magtagal doon.
Hindi ko kayang tagalan makita si Karl na masaya sa iba . . . Just like what happened earlier.
“Gusto ko nang umuwi . . . gusto ko na lang tumakbo paalis . . .” I sobbed.
He tapped my back at dahan-dahan na humiwalay sa akin. He wiped my tears using his thumb pero hindi no'n tuluyan natatanggal ang luha ko. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagtulo, mas lumalala lamang.
“I'll just get my car, ihahatid na kita sa inyo, hmm?” I nodded.
Umakbay siya sa akin at iginiya ako sa may waiting shed. But we both stopped at walking when we saw him not too far from us, running and looking around, not until our eyes met.
Lakad-takbo ang ginawa niya para makapunta sa kinaroroonan namin ni Reymon.
My breath hitched when he called my name. “Paumi . . .” hinihingal na aniya.
I stepped back nang humakbang ulit siya papalapit sa amin. He saw that and shock is evident to his eyes. But immediately, his brows furrowed when he saw Reymon's hand at my shoulder and his coat na suot-suot ko.
Gusto ko man iyon tanggalin ay wala rin naman point dahil nakita na niya. I bit my lips when he clenched his fist and glared at us.
“Bumalik na tayo sa loob, Paumi,” giit niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
He's directly looking at Reymon's eyes. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkapit ni Reymon sa balikat ko. Like he's saying na tutuparin niya ang sinabi niya sa akin kanina, iuuwi niya ako.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...