Chapter 30

181 18 3
                                    

K A R L

"Hindi muna ako sasama, pass muna ako," sagot ko sa tanong nila.

Inangat ko ang tingin kay James nang umakbay siya sa'kin. Nandito kami ngayon sa loob ng room, hinihintay na magsimula ang klase. Pero itong mga mokong na 'to ay nagyayaya agad maglaro sa uwian.

Mga pasaway, halos araw-araw na lang silang nagyayaya. Kaya hindi na talaga ako nagtataka kung bakit hindi sumisipot si Lucas tuwing uwian.

"Brad naman, ilang linggo na 'yang pagkawala mo sa mood ah. Ano ba kasing nangyari do'n sa chikababe mo sa kabilang school?"

Tinanggal ko na ang pagkakaakbay niya sa balikat ko dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpataas sa pareho niyang braso, surrendering.

"Chill, sabi ko nga ay behave na ako." Umakto pa siyang zinipper ang bibig bago tumango.

"Hayaan mo na si Karl," tipid na singit ni Lucas.

I turn my gaze on him na busy ngayon sa pagbabasa. He's infront of me habang itong si James ay nasa tabi ko. And of course, hindi puwedeng mawala si Elijah na nakaupo ngayon sa ibabaw ng table ko.

Bakit ba sila nakadikit sa'kin. As far as I know, si Elijah lang ang ka-blockmate ko kaya anong ginagawa nitong dalawa sa room namin.

"Isa ka pa Lucas, hindi ka rin sumisipot kapag uwian na," singhal ni James dito bago tumingin kay Elijah. "Game ka naman, 'di ba? Jah?"

Pare-pareho kaming tumingin kay Elijah nang hindi siya sumagot kay James. Nagkatinginan kaming tatlo bago napapailing na ngumiti. Busy pala ang mokong sa love life. Puro phone na ang inaatupag niya simula nung ligawan niya 'yong taga HRM department.

"Hoy, Elijah! Puro love life, respeto naman kay Karl na single."

Agad kong binatukan si James dahil sa sinabi nito. Lakas mang-asar akala mo ay may jowa siya ngayon. Kung ikukumpara naman sa'kin ay mas torpe naman siya 'no. Kapal ng mukha niya.

Gaganti pa sana ito mula sa pagkakabatok ko nang biglang may tumawag sa attention naming tatlo.

"Mga brad!" sigaw ni Oliver habang kumakaripas ng takbo rito sa loob.

Isa pa 'to. Bakit siya nandito samantalang nasa kabilang building ang klase niya. Ang lalakas talaga ng trip ng mga 'to. Baka makiki-seat in na naman sila dito. Minsan talaga ay nagtataka ako kung bakit hindi na lang din sila nag take ng architecture dahil ang hilig nilang tatlo na sumingit dito.

"May zombie apocalypse bang nangyayari sa labas, hapong-hapo ka eh," natatawang sambit ni James.

Pero imbes na siya ang pansinin ni Oliver ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ang parehong balikat ko. Binawi muna niya ang hininga dahil hanggang ngayon ay hinihingal pa rin siya. Pero maya-maya ay ngumiti siya ng nakakaloko sabay suntok sa braso ko.

"Brad, 'di mo naman sinabi na may chikababes ka na naman," asar niya sa'kin.

Kita ko ang sabay-sabay na paglapit nila James sa amin. Napapikit na lang ako ng mariin ng magsunod-sunod na ang tanong nila.

"Teka nga, teka nga," paghinto ko sa kanila bago tinanggal ang pagkakahawak ni Oliver sa balikat ko. "Sino ba ang tinutukoy mo?" takhang tanong ko.

"Si ano . . . P nagsisimula ang pangalan no'n eh," aniya habang nag-iisip.

Umiling-iling ako rito. Mag-aakusa siya tapos hindi niya pala kilala kung sino. Sasagap na lang ng chismis ay hindi pa kumpleto.

"Si Pamela ba, 'yung ka-blockmate ko?" ani James na agad naman sinagot ni Oliver ng iling.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon