P A U M I
“Sure ka bang ayos ka lang diyan, Karl?” tanong ko ulit dito.“Ayos nga lang ako,” natatawang aniya.
Nasa banyo siya ngayon, naliligo. Nag-aalala ako dahil paggising niya ay masakit daw ang ulo nito. Pero sabi niya ay ililigo lang daw niya 'yon para mawala agad. Buti na nga lang at may dala siyang damit niya kung hindi wala siyang pampalit ng damit.
Mukhang planado nga niya talaga ang pagtulog dito eh kasi kahit toothbrush ay may dala-dala siya.
“Oy, Pauline, hayaan mo na si Karl diyan at maghain kana,” utos ni ate.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko bago ulit tanungin si Karl at nang sagutin niya 'kong ayos lang siya ay umalis na 'ko sa harap ng banyo. Lumapit na 'ko sa kusina para maghain ng tanghalian.
Tanghali na sila nagising, hindi na nga nila naabutan na umalis si nanay kaninang umaga para pumasok sa trabaho niya. Nagbabantay si nanay sa isang tindahan sa may bayan kaya maaga siya laging pumasok. Sinabihan ko nga siya dati na 'wag nang pumasok dahil ang baba lang ng sahod niya, pang pamasahe nga lang niya ata 'yon eh.
Nagsasayang lang siya ng pagod sa trabaho niya kahit hindi naman siya pinapasahod ng maayos.
Narinig ko naman na bumukas ang pinto sa banyo kaya agad akong lumingon dito. Nagkatinginan kami ni Karl pagkalabas na pagkalabas niya at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla ko na lang naalala ang sinabi niya sa'kin kagabi.
Umiwas agad ako ng tingin dahil do'n lalo na nang makaramdam ako ng init. Pinagpatuloy ko na lang ang paghain ko at hinayaan na si ate ang umasikaso kay Karl.
“Upo ka rito, Karl,” matining na sambit ni ate.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo nga si Karl sa tabi ni ate pero lumayo siya nang bahagya nang lumapit si ate sa kaniya. Nakatingin pa rin ito sa'kin kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko.
“Nga pala, Karl, first time mong pumunta rito sa lugar namin 'di ba?” tanong ni ate.
“Oo eh.”
“Kung gano'n, pasyal kita rito. Pagkatapos natin kumain, ililibot kita rito sa'min,” masayang bigkas ni ate.
Palihim naman akong sumilip sa kanila pero agad ko rin iniwas nang makita na nakatingin pa rin sa'kin si Karl. Narinig ko lang siyang tumawa bago sagutin si ate.
“Sige, sama natin si Paumi para mas masaya.”
Kita ko na umirap si ate dahil sa sinabi ni Karl. “Marami pang gagawin 'yan, baka gabihin pa tayo sa pamamasyal,” mataray na aniya.
“Then, tutulungan ko siya hanggang sa matapos ang mga gawain niya.”
Napatingin ako dahil sa sinambit nito pero hindi ko inaasahan na nakatingin din pala siya sa'kin. Ngumiti siya sa'kin bago tinaas-baba ang kilay nito. Napalunok lang ako sa sarili kong laway nang makita ang masamang tingin sa'kin ni ate bago siya padabog na tumayo at lumakad papalapit sa'kin.
“Pareho kayo ni Brooks, masiyadong nagpapauto kay Pauline,” inis na aniya bago sinimulang kumain.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil do'n bago niyaya si Karl na kumain. Tahimik kaming kumain ngayon. Siguro dahil nainis si ate dahil hindi niya ma-solo si Karl. Umakyat din naman siya sa kwarto niya pagkatapos namin kumain kaya do'n ko lang nalapitan si Karl.
“Dapat hindi kana lang tumanggi kay ate,” sambit ko rito.
Pero imbes na sagutin ako ay may tinanong lang ulit siya sa'kin. “Ano ba mga gagawin mo ngayon?”
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Novela Juvenil[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...