Chapter 14

128 25 4
                                    

P A U M I

“Ms. Limn!” bumalik naman ako sa wisyo nang marinig ang sigaw ng prof namin.

Sa sobrang gulat ko pa ay naihulog ko ang libro ko. Agad ko itong pinulot sa sahig bago tumayo at tumingin ng diretso sa prof namin. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita na nakahawak na ito sa sentido niya.

Huminga ito ng malalim. “Ms. Limn, ilang ulit ko bang sasabihin na ibigay mo ang buong attention mo sa klase?”

“Sorry po, sir,” pagpapaumanhin ko.

Minasahe lang nito ang sentido niya bago ako pinaupo. Bumusangot ako habang hinahanap ang pahina kung ano ang tinuturo ng prof namin ngayon. Sinubukan kong basahin 'yon pero wala talagang pumapasok sa isipan ko.

Bakit ba kasi may math pati dito. Akala ko naman kasi ay puro about sa creativity lang ang fine arts, may kasama rin palang math.

Pilit lang akong nakinig sa prof namin. Nagpa-recite rin ito pero gaya ng dati hindi ako sumagot at umiwas sa mata niya sa tuwing naglilibot ito. Katakot.

Kaya lang akala ko makakatakas na 'ko, hindi pala. Nagpa-short quiz si sir after niyang mag discuss. Chineck niya na rin ito habang wala pang time. At as usual, bagsak nanaman ako nang banggitin niya ang scores namin.

Hindi naman na nagbago 'yon. Sanayan na lang siguro. Pero umaasa pa rin ako na kahit papa'no ay tumaas siya kahit kaunti.

Nang mag dismissal ay hindi agad ako tumayo. Naghintay akong makalabas lahat ng tao rito sa room bago ako tumayo at lumapit sa prof namin. Napahinto ito sa ginagawa niya. Huminga ng malalim bago tumingin sa'kin.

“Ms. Limn, alam mo naman na hindi ako nagbibigay ng kahit na anong extra curricular para tumaas ang grade ng mga estudyante ko, hindi ba?”

Yumuko ako bago dahan-dahan na tumango. As usual, kahit hindi pa 'ko nagsalita ay alam na agad niya ang sasabihin ko.

“Ganito na lang. Kapag tumaas ang mga quizzes mo sa mga susunod na araw, irereconsider ko ang mga nabagsak mo. Kaya better kung kukuha ka ng tutor, ms. Limn,” paliwanag nito.

“Ah sir, about po sa tutor . . .” huminto ako bago ngumiti. “W-Wala po. Sige po, mauuna na po ako. Salamat po ng marami, sir.”

Tumango lang naman ito sa'kin kaya nagpaalam lang ulit ako bago tuluyang umalis sa harap niya. Agad akong bumuntong hininga nang makalabas na ako ng room. Pero mas lalo lang lumukot ang mukha ko nang hindi ko siya makita rito sa labas.

Napatingin ako ng kusa sa hawak kong bulaklak dahil do'n. “Akala ko ba nanliligaw siya? Pero bakit wala pa siya rito, wala naman siyang klase kanina ah,” mahinang bulong ko sa bulaklak.

Bumuntong hininga lang ulit ako. Hindi ko pala muna dapat  pinoproblema si Karl. Ang kailangan kong problemahin ay kung pa'no tataas ang grade ko sa math.

Ayokong umulit sa subject na 'yon, 'no. Sayang sa pera kung uulit ako next sem.

Nagsimula na 'kong maglakad papunta sa may hagdan. Masyadong occupied ang utak ko. Iniisip kung pa'no ako papataasin ang mga quizzes ko sa susunod na araw. Kung kukuha kasi ako ng tutor gaya ng sabi ni sir ay masasayang lang ang pera ko.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon