P A U M I
[I'm glad to meet you again . . . I really miss this kind of meeting with you mr. Sarmiento.]
Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko bago ulit ngumiti. Ang drama mo naman Paumi. Siguro nga ka-boses niya ang boss mo pero sapat ba na rason 'yon para umiyak ka. Ka-tangahan mo rin eh.
Narinig ko pa sa kabilang linya na nagpaalam na sila sa isa't-isa. Hinintay ko silang matapos hanggang sa masiguro ko nang ako ang kinakausap ni architect.
[Sorry if I waste your time.]
“It's okay, architect.”
[I called you to ask kung ano ang schedule ko tomorrow morning.]
Agad kong binuklat ang folder. Binasa ko pa rin 'yon kahit na alam ko naman na ang schedule ni architect bukas.
“May meeting po kayo with your team first thing in the morning at sunod po no'n ay didiretso po kayo sa meeting with your client.”
[Prepare everything tomorrow, even yourself. Bye.]
“Noted po, architect. B-----” I sighed nang binaba na niya ang tawag. “Bye po. And thank you sa pagtanggap sa 'kin,” I whispered kahit na wala naman na siya sa kabilang linya.
Hindi man lang ako pinatapos.
Tinabi ko na ang folder sa drawer ko. Nakahiwalay siya sa ibang files para hindi ko ma-misplaced. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagtipa ko nang maalala ko na naman ang boses ni architect.
Ka-boses niya talaga siya. May pagkakaiba nga lang. Medyo malalim ang boses ni architect at halatang lalaking-lalaki ang nagsasalita. Halatang strikto at seryoso sa buhay.
Siya kasi ay iba. Kahit boses niya lang ang marinig mo ay mararamdaman mo na kung ga'no kakulay ang mundo. Gagaan ang pakiramdam mo kapag siya ang kausap.
Magkaboses sila sa ibang way. Imposible na siya nga 'yon.
Pero hindi ko aakalain na gugulo ’yon sa isip ko buong magdamag. Kahit sa pagtulog ko ay siya pa rin ang nasa isip ko. In the end, bumangom ako sa kama ko. Nagtimpla ako ng gatas sa kusina at sumandal sa may island countertop, nakatulala sa buong unit.
Ang dating condo unit ni Karl.
Nang malaman ko na umalis siya rito ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang unit na 'to. Even though, naghihirap pa 'ko noong time na 'yon. Nagsipag akong magtrabaho at umutang pa 'ko para walang makakuhang iba rito.
I smiled as I felt my tears fall down from my eyes.
Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko.
For years of staying in here, siya lang ang lagi kong naalala. Pero hindi ako nagsisisi na bilhin 'to. Dahil parusa ko na rin 'to sa sarili ko sa pananakit sa kaniya dati.
Up until now, I can't forget his face, his expression on his eyes, and how hurt is he that day.
Sobrang sakit.
Lalo na't ako ang may kasalanan.
Bumalik na rin ako sa kuwarto after kong matapos inumin ang gatas ko. Nakatulog naman na 'ko. Pero ilang patak ng luha muna ang kumawala sa mga mata ko bago ako dinalaw ng antok.
Maaga akong pumasok kinabukasan para mahanda ang mga kakailanganin. Bumili na lang din ako ng kape sa labas dahil hindi na 'ko nakapag-almusal. Pagkarating ko sa office ay pina-photocopy ko agad ang files na sinend sa 'kin ni miss Zeena para sa meeting mamaya.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...