P A U M I
“May gusto ka ba'ng inumin o kainin, mahal? May time pa naman.”
Bumaling agad ako sa ibang direction nang lumabas na si Karl mula sa kuwarto niya. Patago kong pinahid ang mga luha sa mata ko. Hindi niya puwedeng makita na umiyak ako.
I heard his footsteps na papalapit na sa akin, inangat ko ang paningin ko at sinalubong siya ng isang ngiti.
“W-Wala, busog pa naman ako,” sagot ko.
His brows furrowed lalo na nang umiwas ulit ako ng tingin. Bakit ba kasi nangingilid na naman ang luha ko. Nakakainis ka naman, Paumi eh.
“Did you cry?” he asked sabay lapit sa akin.
I shook my head to answer his question. Pero binalewala niya iyon at hinawakan ang baba ko para magtama ulit ang paningin namin.
I bit my lower lip as he stared at my face, naghahanap ng ebidensyang umiyak ako. I tried my best to hold my tears pero mukhang nakahalata siya dahil sa panginginig ng mga labi ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa baba ko at pinunasan ang luha kong bumagsak. But just like earlier, hinawakan niya ulit ang baba ko at hinarap sa kaniya.
Kita ko sa mga mata niya ang gulo at pagtataka. He's staring at me while I'm trying to prevent myself to cry. He opened his mouth, maybe to ask questions, pero hindi iyon natuloy nang biglang nanlaki ng bahagya ang mga mata niya.
“Damn,” he cursed under his breath sabay lingon sa painting sa may sala, realizing now kung bakit ako umiyak.
Pumikit siya ng mariin nang binaling niya ang tingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Yumuko ako at pilit na tinatago ang mukha sa kaniya kahit na sinasabi niyang iangat ko ang paningin ko, nagmatigas pa rin ako.
How can he be this secretive. Damn.
Huminga ako ng malalim, calming myself, pero kusang nahinto ang mga luha ko nang maramdaman ang kamay niya sa bandang kili-kili ko. He lift me up at walang ano-anong inupo ako sa shoe cabinet na nasa tabi namin.
Napakapit ako sa balikat niya ng wala sa oras habang tinutungkod niya ang parehong braso sa ibabaw ng cabinet.
He can now fully see my face. Gusto ko man umiwas ay hindi ko magawa. He's too close from me, kaunting galaw ko lamang ay puwede nang magtama ang aming mga labi.
Pumikit ulit siya bago bahagyang tumawa, “I look like a stalker, didn't I?”
Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Bakit hindi ka lumapit sa 'kin? Bakit kailangan mo 'kong tanawin mula sa malayo kung puwede mo naman akong yakapin.”
He smiled weakly, “natatakot kasi ako.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He chuckled habang nilalagay sa likod ng tenga ko ang hibla ng buhok sa mukha ko.
“Natatakot ako na kapag lumapit ako sa 'yo ay itali na kita sa akin.” Kinuha niya ang isang kamay ko sa balikat niya at hinalikan iyon. “Ayokong itali ka dahil gusto ko ay gawin mo ang mga gusto mo ng malaya. Handa akong maghintay, Paumi.”
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...