Chapter 12

159 25 3
                                    

P A U M I

“Iniiwasan mo siya, ate? May ginawa ba siya sa'yo?”

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Karl at binaling na lang 'yon kay Paul. Ngumiti ako rito bago inangat ang kamay ko at ginulo ang buhok niya.

“Kailan ba 'ko nagkaroon ng kaaway, huh? May utang kasi ako sa kaniya kaya ko siya iniiwasan,” pagsisinungaling ko.

Pero sabay kaming lumingon ni Paul kay Karl nang marinig namin itong nagpigil ng tawa. Tumikhim ito bago lumapit sa direction ni Paul. Umakbay siya sa kapatid ko bago ginulo ang buhok nito.

“Oo nga, may utang sa'kin ang ate mo kaya dapat magpakabait ka sa'kin” natatawang aniya.

“Magkano ba utang ni ate sa'yo?” seryosong tanong ni Paul.

Sisingit na sana ako sa pinag-uusapan nila nang biglang magsalita ulit si Karl. Nagkibit-balikat muna ito na parang sinasabi na hindi niya alam.

“'Wag mo nang problemahin 'yon,” sambit niya.

Tumingin naman ito sa'kin bago kunot noong binalik ang tingin kay Paul. Pinasingkitan pa niya kami ng mga mata habang pabalik-balik ang tingin niya sa'min. Pareho kaming nagtatakha ng kapatid ko sa kinikilos niya.

“Bakit gano'n?” panimula nito.

Hinilig ko ang ulo ko. “Bakit? Anong meron?” takhang bigkas ko.

Ngumiti siya sa'kin habang tinuturo ako at ang kapatid ko gamit ang isa niyang kamay. “Ang tangkad ng kapatid mo,” natatawang aniya. “Anong nangyari sa'yo?”

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Pero agad kong binaling ang tingin kay Paul nang makisabay ito sa tawa ni Karl. Sinamaan ko ito ng tingin kaya agad-agad din siyang huminto sa pagtawa.

Tuloy-tuloy pa rin sa pagtawa si Karl nang sikuhin siya ni Paul kaya tumigil na ito. Pinunasan pa niya ang ilalim ng mata niya na parang may tumulong luha galing do'n.

“Nagutom ako do'n ah. Tara kain tayo. Treat ko,” biglang bigkas niya.

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para tumanggi nang pumayag agad si Paul. Agad ko siyang pinanlakihan ng mata dahil do'n pero nagkibit-balikat lang siya bago nagpatangay kay Karl.

Napabuntong hininga na lang ako ng makitang naglalakad na sila papalayo sa'kin. Si Karl na nakaakbay sa kapatid ko habang may pinagkukwentuhan sila. Parang kanina ang sama ng tingin nila sa isa't-isa ah, ba't bumaliktad ata ang mundo.

Lumingon sila sa'kin at sinigaw-sigaw ang pangalan ko. Ngumiti ako nang bahagya bago umiling-iling at tumakbo papalapit sa kanila. Pero agad din akong napahinto nang hawakan ni Karl ang kamay ko. Sinukbit niya ito sa braso niya bago tumingin sa mga mata ko.

“Tatawid tayo, baka 'di ka makita,” natatawang aniya.

Umiwas lang ako rito ng tingin bago naiilang na hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya. Nagmumukha tuloy kaming anak niya, dahil si Paul ay akbay-akbay niya habang ako naman ay nakahawak sa braso niya.

Weird man pero hindi ko maiwasan na ngumiti dahil sa naisip ko.

Dire-diretso lang sa pagkukuwentuhan ang kapatid ko at si Karl. Nandito kami ngayon sa isang fast food chain, hinihintay na lang namin ang in-order namin na pagkain dito sa lamesa namin. May number naman na kami kaya makikita na 'yon ng maghahatid sa'min.

Magkatabi kami ni Paul habang si Karl naman ay nasa harap ng kapatid ko.

“Pinaglihi kasi si ate sa dilis at maliliit na sago.”

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon