P A U M I
Karl Sue: 'Wag mo na 'kong hintayin. Umuwi kana, ingat ka sa daan :)
“Huy, kanina ka pa nakatingin diyan. Sino ba 'yan?” tinago ko agad ang phone sa bulsa ko pagkalapit sa'kin ni ate Kimn.
Ngumiti ako rito. “Wala po ate Kimn, nag message lang 'yung prof namin,” pagsisinungaling ko.
Tumango lang ito at sinabihan pa 'ko na magpaalam na 'kong umuwi kung marami akong tatapusin na schoolworks. Pero syempre humindi ako. Kailangan ko ng pera ngayon kaya hangga't maaari ay hindi ako mag-u-undertime.
Bumalik na agad ako sa trabaho ko. Hindi gano'n karami ang customer kaya hindi masyadong marami ang gawain. Kung minsan din ay tinitingnan ko ang message sa'kin ni Karl, gaya na lang kanina.
Pagkatapos kong umalis sa fast food chain kanina ay ilang minuto lang ang lumipas ay nag message sa'kin si Karl. Pero sa dami kong minessage sa kaniya ay 'yon lang ang tanging tinugon niya.
Galit pa rin siguro siya sa'kin.
Ilang oras pa 'kong nagtrabaho hanggang sa matapos na ang shift ko. Hinintay ko pa ng ilang minuto ang papalit sa'kin dahil na-late ito sa pagpasok.
Nagpaalam na 'ko sa kanila lalo na kila ma'am Cyril at ate Kimn. Alas syete palang ng gabi kaya medyo marami-rami pa ang tao sa daan. At gaya ng pinagplanuhan ko sa utak ko kanina ay dumiretso agad ako sa condo ni Karl.
Sure akong nando'n na siya dahil wala naman na 'yon pinupuntahan na iba tuwing gabi. Depende na lang kung may emergency sa kanila or kapag hindi siya nakakatulog.
Naglilibot kasi siya kapag hindi makatulog. Gaya na lang nung nakita ko siya dati na naglalakad papunta sa isang playground.
Nag doorbell ako sa unit nito pero nakakailang segundo na ay wala pa rin sumasagot. Naghintay pa rin ako syempre. Ayokong sayangin ang oras na 'to dahil kung uuwi lang ako ay paniguradong hindi ako makakatulog kakaisip sa kaniya.
Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung matutulog ako nang may galit o tampo sa'kin ang isang tao. Lalo na kung kaibigan ko. Hindi lang siguro talaga ako sanay na may kaaway.
Ilang beses pa ulit akong nag doorbell pero wala talagang sumasagot. Kung tinataguan niya 'ko, imposible namang nalaman niya na ako 'yung nagdodoorbell.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at chinat ulit siya. Baka sakaling sumagot.
Pauline Limn: Nakauwi na 'ko. Nakauwi kana ba?
Huminga ako ng malalim nang makitang na-received niya ang message ko pero hindi man lang niya binasa. Umupo ako sa tabi ng pinto ng unit niya. Buo na ang desisyon ko. Hihintayin ko siya rito hanggang sa makauwi siya.
Pinatong ko lang ang bag ko sa hita ko habang naka upo sa sahig para hindi naman gano'n ka-expose ang legs ko. Suot ko pa rin kasi ang uniform ko hanggang ngayon. Nagpapalit kasi ulit ako sa uniform ko sa tuwing tapos na ang shift ko sa pinagtatrabahuhan ko.
Isa lang kasi ang uniporme ko sa trabaho kaya bago matulog ay nilalabhan ko 'yon. Madaliang laba lang kaya hangga't maaari ay hindi ko siya dinudumihan.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...