Chapter 38

125 20 3
                                    

P A U M I

“Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya, like she really did that para lang mapansin.”

Palihim akong tumingin sa kanilang dalawa. They're now sitting at the mini living room here in his office. They're talking and laughing habang magkatabing nakaupo.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. I think it's about Aria's work and her co-model na napahiya.

They invited me to come sit with them earlier, pero tumanggi ako. Nagdahilan ako na marami akong ginagawa. I bit my lower lips everytime I see how close Aria is to him. Sa bawat paghampas niya sa balikat ni Karl, bawat pagtawa nila, at bawat pagyakap niya sa braso nito.

Ang sakit.

Patago kong pinunasan ang luhang hindi ko namalayan na tumulo. I reached for my mug bago tumayo. I caught their attention. Lumingon ako sa kanila at bahagyang ngumiti.

“Magtitimpla ako ng kape, may gusto po ba kayo?” I asked politely.

She shook her head as she smiled at me. “Thank you for the offer but actually, may pinadeliver ako on my way here. If ever puwedeng . . .”

Tumango agad ako sa kaniya ng makitang nag-aalinlangan na siya sa sasabihin. “Aabangan ko na rin iyon.”

She mouthed thank you bago bumaling kay Karl. But we both startled when he suddenly stood up. “I'll come with you.”

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hindi na, Karl---” I stopped bago bahagyang binaling ang tingin kay ms. Aria. “I-I mean architect, may tatanungin din kasi ako kay ms. Zeena.”

Sumingkit ang mga mata niya. “Just make a coffee then ako na ang sasagot sa itatanong mo kay ms. Zeena,” giit niya.

“Ayos lang talaga,” I looked at Aria.

Mediyo nagulat pa siya sa pagtingin ko sa kaniya. But I think she reads what's on my mind. “Right, Karl, baka girl's thing ang tanong ni Paumi. Just chillax,” she chuckled. “Mukha tuloy kayong may something. Baka magselos na 'ko niyan.”

Napahinto ako sa huli niyang sinambit. She just laughed though. Agad akong umiwas ng tingin kay Karl nang lalapit sana ito sa akin. Nagpaalam na ako at dire-diretsong lumabas sa office niya.

Tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa office pantry. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa mug ko. And when I finally reached the pantry ay doon na tumulo ang luha sa mata ko.

Peste ka, Karl.

Did you planned to do this.

Pinalapit mo ba ang loob ko sa iyo para iparamdam sa akin ang sakit. Tangina eh, may girlfriend ka pero lapit ka pa rin nang lapit sa akin.

Kung naghihiganti ka man sa akin, damn, ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang pangalawa lang ako.

No, cut that, pampalipas oras lang ako. He'll just come to me kapag wala na ang girlfriend niya.

Siguro ay hindi na talaga mawawala ang galit niya sa akin. Sabagay, kung ako nga na hindi naman pinagpalit ay nasaktan. Ano pa kaya siya na hindi ko pinili at iniwang nag-iisa. Maybe nandoon si Aria sa panahon na nangulila siya. Nandoon siya sa tabi niya na dapat na puwesto ko.

“Ms. Limn?”

Agaran kong pinahid ang luha sa mata ko. Nilingon ko ang pintuan kung saan ang nagsalita. I smiled at her as she walked inside.

She smiled back sabay tabi sa akin. “Iniwan mo sa loob sina architect at ang girlfriend niya?” ms. Zeena asked.

Umiwas ako ng tingin bago marahan na tumango. “Magtitimpla lang po ng kape.”

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon