Chapter 39

133 20 4
                                    

P A U M I

“Sure kana bang ayos ka lang?” she asked.

Bumuntong hininga ako bago sinandal ang likod sa sofa. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. I'm here at Kia'a house. Pag gising ko kanina ay rito agad ako pumunta.

Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari. Well not literally lahat ng nangyari, but some parts of it. Hindi ko na kinuwento sa kaniya kung bakit kami naghiwalay noon ni Karl.

“Pupunta ba ako mamaya?” I asked as I turn my gaze at her.

Nakaupo siya sa tabi ko. Both of his feet ay nakapatong sa sofa while all of her attention are on me. Halatang kakagising lamang niya noong nambulabog ako pero kahit gano'n ay fresh pa rin siyang tingnan.

Kia is much taller than me. She's skinny at ang mukha niya ay puwedeng-puwedeng ipanglaban sa miss Universe. But she doesn't want attention. Marami nang nagcacast sa kaniya para maging model or artista pero lahat nang iyon ay tinanggihan niya

She just want a simple and private life. Even in social media ay hindi siya ganoon nagpopost ng pictures niya.

She rolled her eyes on me bago dumiretso ng upo. “Of course!” bulalas niya. “Siya na mismo ang nagsabi sa iyo na pupunta ka roon as his partner.”

Aniya pertaining to what Karl said while we were in my studio, the time na hinalikan niya ako. Naalala ko lang ang nangyari ay pinamumulahan na agad ako ng pisngi.

Ngumuso ako. “Pa'no kung business partner ang gusto niyang sabihin do'n?”

She look at me as if I've asked a stupid question to her. “May business siya? Ano binebenta niya, blueprint?”

Umiwas ako ng tingin. Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Kia. But what if tama ako? What if papapuntahin niya ako roon not as his lover but just his secretary, part of their company's workers.

“What if masaktan lang ako?” I mumbled while observing my reflection in tv infront of me. I smiled a little. “Pa'no kung ginagawa lang niya 'to para maghiganti sa akin?”

Nakita ko sa reflection ng tv ang reaction niya. She opened her mouth pero tinikom din agad. I smiled in my thoughts. Kahit siya ay walang masabi sa sinabi ko.

But it's just my what if's.

I still want to trust Karl.

“Ikaw.” Lumingon ako sa kaniya dahil sa sinambit niya.

My brows furrowed. “Anong ako?”

She smiled bago tinapik-tapik ang likod ko. “You're the one who knew him, Paumi,” she stopped as she held my hand. “It's your choice to face him or just run away from him.”

I bit my lower lip bago hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Kia. “Pa'no kung tumakbo na lang ako?”

Ramdam ko na ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. I'm scared. Natatakot ako sa mangyayari. I know I should trust him, pero hindi ko alam kung bakit may ganito akong nararamdaman. Should I trust my instinct at hindi na lamang tanggapin anh invitation niya sa akin?

Ngumiti siya sa akin. “Then, mas lalo lang madaragdagan ang problema mo, mas tatagal pa ang pag-iisip mo.”

She's right. Mas hindi makakampante ang nasa isip ko lalo na ang puso ko kung hindi ko siya haharapin. I'll face him, kahit na hindi pa ako handa sa magiging resulta.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon