P A U M I
“Karl! Sandali!” malakas na sigaw ko.Pero sa ingay ng paligid ay mukhang hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kaniya. Kahit nga siguro ang pagsunod ko sa kaniya ay hindi niya alam.
Ilang ulit na rin akong may nababangga. Padami na ng padami ang mga taong sumasalungat sa dinaraanan ko. Pero tiniis ko pa rin 'yon para mahabol siya.
Hinabol ko siya nang hinabol habang sinisigaw ang pangalan niya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi niya 'ko narinig hanggang sa nawala na siya nang tuluyan sa harapan ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil do'n bago lumingon sa cafe na pinanggalingan ko kanina.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at sinubukang tawagan si Karl. Nagriring pero hindi niya sinasagot. Napasabunot ako sa sarili kong buhok habang hingal na hingal na tumitingin sa paligid.
Ilang beses ko pang sinubukan na tawagan siya pero hindi niya talaga ito sumasagot. Sa huli ay nagchat na lamang ako sa kaniya.
Pauline Limn: Karl? Kita tayo mamayang uwian ha? Hihintayin kita.
Sa huling pagkakataon ay nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya. Bumuntong hininga lang ako nang hindi ko na talaga nakita si Karl. Tumalikod na 'ko at mabibigat ang mga paang naglakad pabalik sa cafe.
Hindi ko alam kung bakit pero paghawak ko sa mga mata ko ay may kung anong basa akong naramdaman.
Bakit ka naiiyak, Paumi? Para ka naman ewan. Hindi naman nawala si Karl eh, pumasok lang siya sa klase niya. Okay?
Huminga ulit ako ng malalim bago inayos ang sarili ko. Dahan-dahan na 'kong pumasok sa cafe. From here, kita ko agad ang likod ni Brooks. Naghihintay habang nakatampal ang mga kamay sa mukha nito.
Tama, dapat ko munang unahin si Brooks bago si Karl. Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing naalala ko ang itsurang pinakita niya sa'kin kanina.
Bakit parang may parte sa kalooban ko na gusto kong iwan si Brooks at puntahan na lang si Karl. Masama na ba 'kong kaibigan kung gagawin ko 'yon?
Gustong-gusto kong puntahan ngayon si Karl. Pero hindi ko magawa dahil mas kailangan ako ni Brooks. Si Brooks na laging nandyan at napaglalabasan ko ng sama ng loob simula pa ng bata kami.
Pinahid ko lang ulit ang namumuong luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago nakangiting lumapit sa pwesto ni Brooks.
Mas kailangan ako ng kaibigan ko ngayon . . . Kahit si Karl ang kailangan ko ngayon.
“Sorry natagalan,” nakangiting sambit ko.
Tinanggal naman na nito ang pagkakatampal ng kamay niya sa mukha niya. Namumula pa rin ang mata nito hanggang ngayon. Ngumiti ako para kahit papa'no ay mawala ang lungkot na nararamdaman niya.
“Bakit pawis na pawis ka? Sa banyo ka lang naman nanggaling ah?” medyo natatawang sambit nito.
Nalunok ko ng wala sa oras ang sarili kong laway. Nakisabay lang ako sa pagtawa nito bago ininom ang tubig na nasa harap niya.
Nagpaalam akong magbabanyo lang pero ang totoo ay hinabol ko talaga si Karl. Hanggang ngayon ay wala pa rin alam si Brooks sa panliligaw sa'kin ni Karl dahil hindi na siya pumasok simula nang araw na 'yon.
Ilang segundong may namagitan sa'min na katahimikan. Siya na nakatulala sa kawalan at ako naman na pinagmamasdan ang ibibigay niyang reaction.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Feel ko tuloy ang sama kong kaibigan dahil kapag ako ang may problema ay lagi siyang nandiyan. Pero ngayon na siya ang may problema ay hindi ko man lang siya nadamayan agad.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...