Chapter 17

117 21 4
                                    

P A U M I

"Oh my, kaya pala familiar ang mukha mo sa'kin, girl. Ikaw 'yung laging pinapakita sa'min ni Karlita."

Pinagdikit ko naman ang mga labi ko habang nagtatakhang tiningnan ang babaeng nagsabi no'n. Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig. Akala ko ay kung anong gagawin niya pero laking gulat ko nang lumapit siya sa'kin. Hinawakan ako nito sa braso sabay hila papunta sa pwesto nila.

Lumingon ako kay Karl habang hinihila ko. He just shrugged though bago ngumiti at nagpaalam na pupunta muna siyang kusina.

Nagpahatak na 'ko nang tuluyan sa babae dahil do'n hanggang sa makaupo kami sa sofa. Naka-straight body ako habang nakaupo. Napapagitnaan nila ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

"Girl, mukha kang high schooler. Sure kang college kana?" sambit nito. "By the way, ako nga pala si Yzah. Loriezah pero Yzah na lang para maikli."

Inabot ko naman ang nakalahad nitong kamay. "Paumi," tipid kong pagpapakilala.

Ngumiti ako nang ngumiti siya sa'kin. Ang ganda niya. Actually, pareho silang maganda. Mukha rin silang mga sosyalin. Kaya lang mukha talagang mataray 'tong isa na katabi ko. Kanina pa kasi seryoso ang mukha niya, ni-hindi man lang ngumiti kahit kaunti.

"Oh right, 'yang katabi mo pala ay si Aria. But we usually call her by her surname, Chisisi. Mamili kana lang kung ano gusto mong itawag sa kaniya . . ." tumango naman ako sa sinabi nito.

Lilingon na sana ako kay Aria para magpakilala nang bigla akong pigilan ni Yzah. Nilapit nito nang husto ang mukha sa tenga ko sabay bulong ng kung ano.

"Bad mood lang siya ngayon, pero mabait naman 'yan . . . kahit papa'no," she giggled.

"Narinig kita, gago."

"Gago ka rin, duh."

At dahil do'n ay nagsimula silang mag bangayan sa tabi ko. Nakaupo lang ako ng diretso habang naghahampasan sila. Hindi rin naman kasi ako makaalis dahil napapagitnaan nila ako.

Umiiwas ako sa tuwing aabutin ni Aria si Yzah. Minsan ay umaatras na lang ako pasandal para hindi ako matamaan.

Pero sa totoo lang, gusto ko rin ng kaibigan na ganito. Never pa kasi akong nagkaro'n ng kaibigan na ganito ang trato sa'kin. Lagi nila akong tunuturing na baby.

"Hoy, hoy, hoy, hoy," biglang singit ni Karl sabay hatak sa'kin patayo. "Mag-aaway na lang kayo, pinagitnaan niyo pa si Paumi."

Nilapag nito ang dala-dala niyang mga baso sa center table. Hawak pa rin niya ang braso ko habang ginahawa 'yon. Pero nagitla ako nang bigla niya 'kong hinarap at hinawakan ang isa ko pang braso. Nailang ako nang tiningnan niya ang katawan ko.

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba nila? Sabihin mo lang kasi matagal na 'kong naghahanap ng rason para itakwil sila bilang kaibigan ko."

Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Pero napatawa ako ng matamaan siya ng throw pillow na binato ni Yzah sa kaniya. Humawak siya agad sa ulo niya habang sinasamaan ng tingin ang kaibigan.

"Susumbong talaga kita kay Lia pag dumating na siya dito sa Pilipinas, kala mo ah," pananakot nito.

Lia.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon