Chapter 20

119 20 3
                                    

P A U M I

“Anong relasyon mo sa anak ko?”

Tanong ulit nito, binalewala ang sinabi ni Karl. Napalunok ako sa sarili kong laway nang makita kung ga'no ka-seryoso ang titig sa'kin ng tatay ni Karl. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng takot.

Napaatras ako ng wala sa oras habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lang bumalik sa ala-ala ko ang sinapit ko dati. 'Yung takot at kabang naramdaman ko dati ay naramdaman ko ulit ngayon.

“Wala siyang obligasyon para sagutin ka.”

Lumingon ako kay Karl dahil sa sinambit nito sa tatay niya. Tumingin ito pabalik sa'kin at do'n ko lang naramdaman ang kamay niyang kanina pa pala na nakahawak sa kamay ko.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak doon bago ako binigyan ng tipid na ngiti, reassuring me na ayos lang ang lahat. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil do'n. Nilunok ko ang sarili kong laway bago binalik ang tingin sa tatay ni Karl.

Tama, wala akong dapat ikatakot ngayon. Kasama ko si Karl at alam kong hinding-hindi niya 'ko pababayaan. Never niya 'kong pinabayaan.

Huminga ako ng malalim bago tumingin ng diretso sa mga mata ng lalaki sa harap ko. “G-Girlfriend niya po a-ako,” mediyo kinakabahan na sambit ko.

Naramdaman ko ang titig ni Karl sa'kin ngayon pero hindi ako lumingon sa kaniya. Nanatili lang ang tingin ko sa tatay nito. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon. Basta ang alam ko lang ay may sineniyas siya sa mga lalaking naka suit na itim. Tumango sila bago lumapit at inalalayan si Karl papatayo.

Nagtatakhang sinundan ko lang sila hanggang sa makasakay kami sa loob ng kotse.

“Girlfriend ka ba talaga ng anak ko?” seryosong tanong nito.

Lumingon ako ng bahagya rito bago marahan na tumango. “O-Opo. Pauline po ang pangalan ko pero madalas po nila akong tawagin sa palayaw ko na Paumi,” pagpapakilala ko.

Hindi na 'ko mapakali sa pagkakaupo ko rito sa waiting area dito sa labas ng patients ward.

Ginagamot ngayon ang mga natamong sugat ni Karl sa loob. Kaya ngayon ay naghihintay ako rito sa labas, kasama ang tatay niya at ang mga lalaking naka itim na suit. May bakanteng upuan na nakapagitna sa aming dalawa. Pero kahit gano'n ay natatakot pa rin ako sa presensya niya.

“Siguraduhin niyo lang na kayo talaga. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling,” aniya nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil do'n. Alam kong totoo ang relasiyon namin ni Karl pero may part pa rin sa'kin na natakot dahil sa tono ng pananalita nito. Atsaka hindi pa alam ni Karl na kami na, pa'no na lang kung mag one on one sila ng tatay niya mamaya. Lagot ako nito.

Hindi na lamang ako sumagot at tinuon na lang ang pansin sa pintuan ng patients ward.

Ilang minuto na rin ang lumipas. Tahimik kaming lahat na naghihintay hanggang sa biglang nagtanong ang tatay ni Karl.

“Anong kurso ang kinukuha mo?”

Mediyo nagulat ako sa tanong nito. First time na may magtanong ng kurso ko. Madalas kasi ang tinatanong nila ay kung kolehiyala raw ba talaga ako. Mukha raw kasi akong high schooler.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon