Chapter 13

131 22 4
                                    

P A U M I

“A-Anong sinasabi mo?”

Ngumiti ito nang bahagya bago pinadausdos ang kamay niya mula sa balikat ko pababa sa mga kamay ko. Tiningnan ko ang kamay nitong nakahawak sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko lalo na't hindi ko rin maipaliwanag kung ano 'tong nararamdaman ko.

Pero agad kong inangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa biglang sinabi nito, “liligawan kita, Paumi.”

“Huh?”

Napakurap ako ng ilang beses nang bigla siyang tumawa. Pinagmamasdan ko lang siya nang tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.

Nalunok ko ang sarili kong laway nang inangat niya ang kamay niya sa mukha ko. Inayos nito ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko bago siya ngumiti nang bahagya.

“Liligawan kita. Ipaparamdam ko kung ano ang pakiramdam ng totoong pagmamahal, Paumi.”

Hindi ako agad nakakibo sa sinabi nito. Nanatili ang mga mata kong nakatingin sa mga mata niya. Mga mata niyang madaling basahin kung ano ba talaga ang totoo nitong nararamdaman.

At sa pagkakataon na ito, naramdaman ko ang kagustuhan kong maramdaman ang sinasabi niya sa'kin na pagmamahal.

Pero pa'no.

Pa'no ko 'yon magagawa kung matagal ko nang sinara ang puso ko. Kung matagal ko nang ginawang manhid ito dahil sa ginawa nila sa'kin dati.

“Natatakot ako, Karl . . .” mahinang bulong ko.

Sa pagkakataon na 'yon, umiwas ako ng tingin. Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya at niyuko na lamang ang ulo ko. Pero laking gulat ko nang bigla niyang iluhod ang isa niyang paa sa harap ko. Giving me no other choice but to look at him.

Ngumiti ito sa'kin bago hinagod ang likod ng kamay ko gamit ang hinlalaki niya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko bago hinalikan ang likod ng kamay ko. Nanlalaking mga mata akong tumingin sa kaniya dahil do'n pero napahinto ako sa sunod niyang sinabi.

“Kailan ba kita pinabayaan?”

Hindi ako nakasagot. Natahimik ako sa sinabi niya at do'n ko na-realize ang lahat. Simula nang makilala ko siya hanggang ngayon. Hindi niya 'ko iniwan. Hindi niya 'ko pinabayaan kahit wala naman akong sinasabi sa kaniya.

Pinagtanggol niya 'ko. Inalagaan niya 'ko.

Hindi niya 'ko pinabayaan.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Pa'no kung 'di ka magtagumpay sa plano mo?” kinakabahan kong tanong.

Tumawa siya nang bahagya. Nanatili pa rin itong naka luhod sa may lapag habang hawak-hawak ang kamay ko. Para tuloy siyang nagpopropose sa'kin.

“Hindi talaga 'yon magtatagumpay kung hindi mo 'ko tutulungan, Paumi,” he stopped bago tumayo. Still holding my hands. “Pero kung sakaling hindi nga mag tagumpay . . .”

Ilang segundo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinutuloy ang sasabihin. Napilitan tuloy akong tumingin ng diretso sa mga mata nito. Pero nagitla ako nang bigla itong ngumiti sa'kin na parang hinintay niya talagang tumingin ako sa kaniya.

“Kung hindi mag tagumpay, hahayaan na kita sa gusto mo. Handa naman akong magparaya para sa taong mahal ko,” he stopped again bago malungkot na ngumiti sa'kin. “Nagawa ko na 'yon noon, at kayang-kaya ko ulit gawin 'yon sa pangalawang pagkakataon.”

Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako dahil sa sinabi niya. It makes me curious kung ano ba talaga ang nangyari sa naging girlfriend niya dati. Bakit sila naghiwalay. Hindi ko rin tuloy maiwasang isipin na baka ginagawa lang niya 'to dahil hindi niya malimutan ang girlfriend niya.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon