P A U M I
"A-Anong sinasabi mo, Brooks?" naguguluhan na sambit ko.
Nakatingin lang ako ngayon sa kanilang dalawa. Si Brooks ay hawak-hawak pa rin sa kuwelyo si Karl habang si Karl naman ay nakatingin lang ng diretso kay Brooks. Wala siyang binibigay na kahit anong expression. Seryoso lang siya na parang inaasahan na niya ang nangyayari.
Do'n na napa-iyak si Brooks habang dahan-dahan na niluluwagan ang pagkakahawak niya sa polo ni Karl. Umiyak siya na parang ang sakit-sakit ng nararamdaman niya ngayon. Kahit ako ay umiiyak na rin dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Bakit si Karl ang sinisisi ni Brooks. Wala naman siyang kotse at minsan lang din siya kung magmaneho. Kaya pa'nong siya ang may kasalanan?
"B-Brooks, baka nagkakamali ka lang. Hindi kayang gawin ni Karl 'yon dahil minsan lang naman siya gumamit ng kotse," paliwanag ko at ilalayo na sana siya nang magsalita na naman ito.
And this time, do'n ko lang na-gets kung bakit si Karl ang sinisisi niya.
"Kung tinulungan sana ng mama mo ang lola ko no'ng gabing 'yon . . ." he sobbed. "E 'di sana buhay pa siya ngayon. Pero anong ginawa mo? Tinago mo 'yon, Karl. Alam mo ang lahat pero ni hindi mo man lang sinabi sa'kin," aniya sabay upo sa lapag at do'n humagulgol sa iyak.
Naestatwa ako sa sinabi ni Brooks. Si tita ang nakasagasa sa lola niya? At tinago 'yon ni Karl, ng pamilya niya, para hindi makulong si tita Carla.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang pag iyak ko. Alam kong bobo ako, alam kong mabagal akong makaunawa pero alam kong hindi tama 'tong ginawa ng pamilya ni Karl.
May namatay. Namatay ang lola ni Brooks pero tinago lang nila si tita Carla? Tinago nila ang may kasalanan at hinayaang iba ang umako ng obligasyon niya.
Tumingin ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya kay Brooks. Seryoso pa rin ang expression niya pero this time ay may luha nang tumutulo sa mata niya. Tinitigan ko lang siya at hinintay na mapunta sa'kin ang attention niya. Akala ko ay hindi na siya titingin pero pagkalipas lang ng ilang segundo ay nagtama na ang mga mata namin.
I bit my lower lips. "T-Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Brooks, Karl?"
Hindi siya sumagot at nanatili lang ang titig sa'kin. Huminga ako ng malalim dahil do'n bago lumapit sa kaniya. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit bago tumingala sa kaniya.
"Maniniwala ako sa'yo, Karl . . . basta sabihin mo lang na hindi kayo ang may kasalanan," huminto ako ng naramdaman na may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. "Maniniwala ako sa'yo, mahal. Basta sabihin mo lang na wala kang alam dito."
Kinagat niya ang ibabang labi niya bago umiyak sa harap ko. Do'n na rin nagtuloy-tuloy sa pag-agos ang aking luha lalo na nang marinig ang paulit-ulit na sinambit niya.
"I'm sorry, Paumi. Sorry, mahal ko. Hindi ko rin gusto ang nangyari," aniya habang nakayakap sa'kin. .
So, si tita Carla nga ang nakasagasa at tinago lang nila ang kasalanan niya. Ang kasalanan na dapat pinagbabayaran niya ngayon.
Hindi naman sa gusto kong makulong si tita pero mas maganda sana kung umamin siya sa simula pa lang. Atleast may chance na mapatawad pa siya at hindi makulong. Pero ibang usapan na ngayon. Nagtago siya, tinago siya ng buong pamilya niya kahit alam nilang may kasalanan siya.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Karl nang magsalita si Brooks.
"Diyan naman kasi kayo magaling eh," kita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya mula sa pagkakaupo kanina. "Ganiyan naman kayong mayayaman. Pera ang laging pinangtatapat niyo sa lahat ng bagay na kahit buhay ng tao ay tinatapatan niyo ng pera."
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...