P A U M I
“A-Anong kailangan niyo sa'kin?”
Halata na ang pangangarag sa boses ko pero pinakita ko pa rin na hindi ako natatakot sa kaniya. Pero sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot na 'ko. Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot lalo na nang ngumiti siya sa'kin. Ang ngiting nagpaniwala na may pagmamahal doon pero 'di ko inaasahan na may nakakubling kasamaan rin pala.
Akala ko tunay ang pinapakita niya pero hindi. Pinapakita lang niya 'yon kapag kaharap ang iba.
Pero hindi lang ako do'n natatakot kung hindi dahil sa hinala ko. Hinala kong si tita ang nakapatay sa lola ni Brooks. At kung totoo man 'yon, hindi ko alam kung pa'no ako haharap sa kaibigan ko. Kung pa'no ko sasabihin sa kaniya.
“Alam mo, dapat sumama kana sa'min noong niyaya ka ng tatay mo,” nalunok ko ang sariling laway nang hablutin niya bigla ang mukha ko. “Ngayon ako ang sinisisi ng tatay mo dahil sa katigasan ng ulo mo,” giit na aniya.
Hinawakan ko ang kamay nito at pilit na tanggalin mula sa pagkakahawak sa mukha ko. Nararamdaman ko na ang pagdiin ng kuko niya sa pisngi ko. Kahit ang mga mata ko ay nag-iinit na rin dahil sa nagbabadyang mga luha.
Inis lang niyang binitawan ang mukha ko bago inutos sa driver na paandarin na ang sasakyan. Ramdam ko ang hapdi sa mukha ko. Pero kahit gano'n ay tumahimik na lang ako sa sulok.
Bakit . . . bakit pa nila 'kong kailangan guluhin. After several years, bakit ngayon pa nila papakealaman ang buhay ko.
Nakarating kami sa bahay nang puro hapdi na ang nararamdaman ko sa katawan ko. Ilang beses kong sinubukan na tumakas mula sa kanila pero sa huli ay puro pananakit lang ni tita Sofhie ang natatanggap ko. Nagmakaawa ako, nagmakaawa akong pakawalan na nila ako pero imbes na pakawalan ay nakatanggap lang ako ng sampal mula sa kaniya.
“Hindi ka lalabas sa kuwarto na 'to hangga't hindi dumarating ang tatay mo,” giit niya bago sinenyasan ang body guards nito.
Nakasalampak na 'ko sa sahig dito sa loob ng dati kong kuwarto. Nakahawak sa pisngi habang umiiyak ng tahimik.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hablutin ng isa sa kanila ang bag ko, hinalughog ang laman no'n. Hindi ako nabahala roon pero nang kapain ni tita ang bawat bulsa ng damit ko ay nataranta ako. Pilit kong iiwas ang kamay niya sa bulsa ng jacket pero wala rin silbi nang hawakan ng isa sa mga guards niya ang kamay ko.
“Tita, please. 'Wag mong kunin sa'kin 'yan,” pagmamakaawa ko.
“Why? Ano bang meron dito sa phone mo para hindi mo ibigay sa'kin?” nakangising tanong niya kaya sa huli ay tinikom ko na lang ulit ang bibig ko.
Gusto kong bawiin sa kaniya ang phone ko. Gusto kong tawagan si Karl. Gusto kong marinig ang boses niya, kahit 'yon lang. Hindi ako magsusumbong, basta marinig ko lang ang boses niya.
Gusto ko 'yan sabihin kay tita pero hindi ko nagawa dahil ayokong madamay si Karl dito.
“Puro gamit pang eskwela lang po ang laman ng bag niya, ma'am.”
Tumango si tita. “Hayaan mo na sa kaniya 'yan. Para may matutunan naman siya kahit papa'no.”
Nilapag naman ulit ng body guard niya ang bag sa tabi ko. Hinintay ko lang silang makaalis bago humagulgol ng iyak doon. Kinuha ko ang bag ko at sumandal sa may pader habang yakap-yakap ang tuhod ko. Hindi ko na inabalang buksan ang pinto dahil alam kong nilagyan ni tita 'yon ng padlock.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...