Chapter 25

104 17 1
                                    

P A U M I

"Karl!" bulalas ko nang buhatin ako bigla nito.

Binuhat niya 'ko kung pa'no buhatin ng mga groom ang bride nila kapag bagong kasal ang mga ito. Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kaniya at dire-diretso lang na pumasok sa loob ng condo unit niya. At ngayong nakikita ko ng maigi ang mukha niya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.

Ang unfair, kahit ang side profile niya ay ang perfect pa rin tingnan.

Pumikit na lang ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto ko nang matulog. Ilang araw din akong hindi nakatulog dahil lagi akong humahanap ng tiyempong makatakas. At ngayong kasama ko si Karl ay hindi ko mapigilan na antukin. Dahil ramdam kong safe ako sa piling niya.

"Inaantok kana?" rinig kong bulong na tanong nito.

Tumango lang ako ng marahan bago kumapit sa leeg niya. Bumibigat na talaga ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko pa siyang makausap ng matagal. Pero nang pinikit ko na ang mga mata ko ay sakto namang naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko.

Tuluyan na 'kong nakatulog dahil do'n. Bahagya ko lang dinilat ang mata ko nang may maramdaman ako na kung anong malamig na bagay sa braso ko. Tumingin ako sa gilid at do'n ko napansin si Karl na pinupunasan ako. Kusa akong napangiti. Inaalagaan na naman niya 'ko gaya ng pag-alaga niya sa'kin noong may sakit ako.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ni Karl sa kamay ko. Sobrang saya ko dahil hindi niya 'ko iniiwanan. Sana balang araw makabawi ako sa lahat-lahat ng ginawa niyang kabutihan sa'kin.

"Gusto mo bang kumain?" mahinang aniya pagkatapos halikan ang likod ng kamay ko.

Iniling ko ang ulo ko. "Gusto ko lang matulog," bulong ko.

Tumango-tango siya bago hinaplos ang buhok ko. Ngumiti lang ulit ako sa kaniya bago dahan-dahan na bumalik sa tulog ko. Ilang araw akong walang tulog kaya siguro ako antok na antok ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong natutulog pero nang minulat ko ulit ang mata ko ay madilim pa rin sa labas.

Patay na rin ang ilaw dito sa loob. Tanging ang dim light sa sulok na lang ang nagbibigay liwanag kaya mediyo may naaninag pa rin ako.

Nasan kaya si Karl? Baka nagpuyat 'yon dahil sa'kin.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at ilalapag na sana ang paa ko sa sahig ng may mapansin ako. Agad na may sumilay na ngiti sa labi ko nang makita siyang natutulog sa may lapag. Nakaharap sa gawi ko habang may hawak-hawak na bimpo.

Nakatulog ba siya kakapunas sa'kin? Kaya pala ang himbing ng tulog ko dahil sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siyang matulog, to the point na hindi ko napansin na humiga na pala ako sa tabi niya. Nakatitig lang ako rito, tinitingnan ang bawat pag hinga niya.

Ang swerte ko talaga at sa kaniya ko unang naramdaman ang ganitong pagmamahal. Sana siya na hanggang sa huli. Dahil hindi ko ata kakayanin kung maghihiwalay kami ni Karl.

Ngumiti ako nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kaniya.

"Tumabi ka na naman sa'kin," inaantok at the same time ay natatawang aniya. "Do'n kana sa kama, baka saktan ka ng kawatan dito."

Umiling ako. "Ikaw na sa kama, sanay naman akong matulog sa lapag."

"Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" natatawang aniya habang inaalala ang nangyari sa'ming pagtatalo sa bahay nila.

Lagi kasing siya ang nagpaparaya para sa'kin. Gusto ko naman magparaya para sa kaniya. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko nang bigla siyang bumangon. Akala ko ay hihiga na siya sa kama pero laking gulat ko nang bigla niya akong buhatin ulit. Magrereklamo pa sana ako pero naramdaman ko na ang kama sa likod ko.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon