Chapter 1

502 34 5
                                    

P A U M I


“Ano ba 'yan, Paumi? Sakop na ng basura mo 'tong buong lamesa oh.”

Tinigil ko naman ang pagdo-drawing at tiningnan ang lamesa namin ni Brooks. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya nang mapansin na punong-puno na nga ng papel ko 'tong pwesto namin.

Umiling-iling lang naman siya bago bumalik sa pag asikaso sa readings niya.

Ngumuso ako bago isa-isang binuklat at tinupi ang mga crumpled paper na tinapon ko rito sa lamesa. Ito ang mga pinilas kong papel sa sketchpad ko, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makagawa ng main male protagonist ko para sa upcoming story ko.

Nakakailang try na 'ko pero ang papanget ng kinalalabasan.

Numipis na nga ang sketchpad ko dahil dito eh. Buti na lang din at nasa pinaka sulok kami ng library kung hindi baka kanina pa kami napalayas ng librarian dahil sa kalat ko.

I just sighed because of that at ipagpapatuloy na sana ang pagpulot nang mag vibrate ang phone ko.

Kinuha ko siya mula sa bulsa ng palda ko bago binuksan ang message.




From: Bernard

Ano? Nakapag desisyon kana ba about sa sinabi ko?





“Sino 'yan?”

Tiningala ko ang tingin kay Brooks bago binalik ang phone sa bulsa ko. Umiling agad ako sa kaniya bago siya sagutin, “'yung co-author ko, nagtatanong na naman about sa offer niya.”

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Anong offer?”

“'Yung subukan daw namin gumawa ng romance story, puro raw kasi mystery/thriller ang sinusulat at iniillustrate namin.”

Nagpahalumbaba siya sa lamesa bago tumawa. “Kaya pala stress na stress kana nitong mga nakaraang araw,” natatawang sambit niya.

Ngumuso lang ako dahil sa sinabi niya bago bumuntong hininga.

Tama naman kasi siya, kaya ako stress nitong mga nakaraang araw dahil do'n. I'm really not into romance kaya puro mystery and thriller lang ang pina-publish kong story sa isang comic website.

Except sa ang hirap magsulat ng mga flowery words, ang hirap din kasing mag drawing ng oh-so-perfect na character. Kaya nga nang makita ko ang lalaking nakita kong dumaan sa coffee shop ay pinilit ko talaga siyang hanapin.

But days already had passed ay hindi ko pa rin siya ulit nakikita. Ang saklap lang.

Nakatulala ako sa harap ni Brooks habang siya naman ay busy na ulit magbasa ng readings niya. Hindi ko nga alam kung pa'no niya natatapos ang ganiyan kakapal na readings, like, hindi ba sila nabobored?

I just sighed again bago tiningnan ang oras na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko.

“Aalis kana?” takhang tanong ng kasama ko.

“Oo, hahanapin ko siya ulit. Baka this time, makita ko na siya,” nakangiting sambit ko.

Nakita ko naman siyang umiling-iling kaya mas lalong lang na lumapad ang ngiti ko. I just tapped his shoulder and bid goodbye bago nagmamadaling lumabas sa library.

Araw-araw ko 'tong ginagawa tuwing lunch break. Naglilibot ako sa buong school at pumupunta sa iba't-ibang department para makita siya.

Hindi ko man siya nakikita sa mga oras na 'yon pero hindi pa rin ako tumitigil. Tiwala lang, think positive, everything is possible.

Hindi alintana sa 'kin kahit marami akong bitbit na mga pilas ng papel dahil busy na ang mga mata ko sa paglibot sa paligid. Halos lahat na ng department ay nalibot ko except na lang sa business, engineering and architecture departments.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon